A week later...
"Rev, alis muna ako ha?" sabi ko habang sinusuot ung sling bag ko.
"Saan ka pupunta?" tanong nya.
"May aasikasuhin lang. Babalik din ako mamaya. Nagpatawag ako ng nurse para magbantay sayo." lumapit ako sa kanya, "I'll be right back." I kissed his forehead.
"Okay."
"I love you."
"I love you too. Don't be too long." sabi nya.
I nod, "Okay." then smiled.
Nang makalabas ako ng room nya, naglakad na ako palabas ng hospital. It's been a week, madaming mga nangyari, sabihin na nating eventful. Kailangan i-double ung dosage ng chemotherapy kay Rev dahil habang natagal, mas nagiging mabilis ang pagprocess ng sakit nya. Walang alam si Rev dito at ayokong malaman nya.
Laking pasasalamat ko at summer vacation na namin. Buti nalang, pinayagan ako ng school na mag-take home summer class. May ibibigay lang sila sakin during summer para ma-accredit parin ung subjects this coming 4th year. Pero ngayong unti-unti, nalaki na ang tyan ko, kailangan ko nang mas ingatan ang sarili ko. Sabi ni daddy, ihohome school na daw nya ako para kahit nasa bahay ako, makakapag-aral at makakapagtapos pa din ako ng college.
Si Rev? Matagal na syang nagdrop out. Kami lang ang nakakaalam sa kalagayan nya pero hindi nya pinapaalam sa iba pa naming schoolmates. Kitang kita ko na ung panghihina sa katawan nya, pero nandun pa rin ung faith nya na gagaling pa rin sya. Iniisip ko ung bagay na un, ang gumaling sya dahil kailangan ko sya, kailangan sya ng anak namin.
Nang makarating na ako sa cafe, umupo na ako sa isa sa mga tables at nilabas ung photo diary na ginawa ko. Sa isang linggong lumipas, madami na din akong nakuhang mga litrato namin habang magkasama. Wala syang kaalam alam sa paggawa ko ng photo diary. Nasa kalahati na ako ng notebook na ito. Biruin nyo un? Sa isang linggong lumipas ay nagawa namin ang napakaraming memories at nangalahati na ang notebook na ito. Hindi ko maiwasang mapangiti.
Napatingin ako sa orasan ko, 12:32 PM na, wala pa ung hinihintay ko. Kaya nilabas ko muna ung materials ko sa paggawa ng photo diary ko at ginawa ito habang nag-iintay. Nang maka-limang dikit ako ng litrato ay dumating na si Enzo at umupo sa harap ko.
"Hey girl." napatingin sya sa ginagawa ko, "Ano yan?"
"Photo diary." sinarado ko ito at niligpit ung mga gamit. "Tara na?"
"Okay, let's go." then umalis na kami sa cafe.
Dumeretso kami sa Pool-Side Garden Resort. Maganda ang napiling lugar ni Enzo para sa isang magandang okasyon bukas. Una mong makikita ang garden na animo'y maze sa Alice in Wonderland. Nakita kong naghahanda na ung ibang tauhan, kinakabitan na nila ng mga ilaw at palamuti ang paligid. Napangiti ako sa nakita. Isa itong magiging sobrang gandang okasyon.
BINABASA MO ANG
My Bully Best Friend
Teen FictionNaghahanap ka ng best friend pero ang dumating sayo ay isang bully? LOL. Kawawa ka naman. >:D HeyMisseii Wattpad 2013