Author's Note: So this chapter ay mukhang magiging mahirap sa ibang mobile readers na hindi android user. Huhuhu. Magbasa na kasi online para hindi kayo mahirapan. XD Comment comment faaaa. XD Pagbigyan nyo na ako. Patapos na naman ang storyang toh eh. Hahahaha! Love you all! I-play nyo ung media kapag nagsusulat na si Kylie ah! Love you all again. Spread the rainbow~
It's been 3 weeks since nung kinasal kami. Nandito lang kami sa bahay namin, nagpapahinga. Kapag may gustong bumisita kay Rev, sila nalang yung pupunta dito dahil hindi na talaga pwedeng maglalalabas si Rev.
Matatapos na ang June at malapit nang mag-July. Kapag iniisip ko ung deadline ni Rev, parang nanghihina ako. Mag-lilimang buwan na itong dinadala ko kaya naman kahit pagsipa nito ay dama ko na.
He told me that he's sorry. Dahil kapag daw nagccrave ako sa pagkain, hindi daw nya maibigay dahil hindi sya makaalis. Kaya lagi sa katulong nagpapabili.
Ngayong lunes na, tinapos ko na lahat ng dapat ayusin sa aking paghohome school dahil tatapusin ko pa ung photo diary na ibibigay ko kay Rev. Dinikit ko lahat doon ang picture nung kinasal kami at nilagyan ng caption. Hindi pa alam ni Rev ang tungkol dito at ayoko pang malaman nya dahil sorpresa ito.
Kailangan ko na itong matapos ngayong gabi para maibigay ko na sa kanya. Nang matapos ko ito, tinago ko muna ito sa drawer at tinabihan si Rev sa kama.
"Anong ginawa mo?" tanong nya.
"Wala lang yun." I wrap my arms around his tummy.
"Nga pala, nabasa mo na ung message pills?" tanong nya.
"Oo."
"May ibibigay ako sayo." may kinuha sya sa drawer at binigay sakin ang isang maliit na rectangular box.
"Ano toh?" tanong ko.
"Buksan mo."
Nang buksan ko ito, nakita ko ang isang charm bracelet. "Para kanino toh?"
"Para sa prinsesa natin." hinawakan nya ang tyan ko. "Kapag nagdalaga sya, ipasuot mo yan sa kanya, ha?"
I nodded then smiled. May iba't ibang palawit ito at may locket pa. Nang buksan ko ito, nakita ko ang picture namin ni Rev tas dun sa kabila naman ay picture lang nya.
"Yan na lang maiiwan ko sa kanya. Nakakapanghinayang. Hindi ko man lang yan mabibigay nang personal sa kanya. Pero hayae na. Basta ibigay mo yan ah. Kundi lagot ka sakin." banta nya.
"Bakit may picture mo?"
"Alam kong la-laki sya nang hindi ako kilala, nang hindi alam ang hitsura ko. Kaya nilagay ko yan jan, para malaman nya kung saan sya nagmana." tumawa sya nang mahina.
BINABASA MO ANG
My Bully Best Friend
Teen FictionNaghahanap ka ng best friend pero ang dumating sayo ay isang bully? LOL. Kawawa ka naman. >:D HeyMisseii Wattpad 2013