Rev's POV
"Hanggang kailan mo itatago ang sakit mo kay Kylie at sa mga kaibigan mo?" tanong ni daddy sakin.
"Hanggang sa kaya ko pang itago, itatago ko ito." sagot ko.
"Rev, wala namang sikretong ligtas eh. Kahit na hindi mo sabihin sa kanila, mahahalata nila un sa physical changes mo. Lalo na't kapag nag-undergo ka ng treatments." sabi ni daddy.
"Hindi muna ako magttreatment daddy."
"What?" nabiglang tanong ni daddy.
I nodded. "I know that those treatments could leave me weak. Ayokong... makita nila na weak na ako. Kaya ko pa naman eh."
"Are you out of your mind?! Kaya nga may treatment dahil para gumaling ka! Anak, ayokong... ayokong mawala ka sakin." halos mangiyak ngiyak na sambit ni daddy.
"The doctor said, my disease is treatable but not cureable." bahagya akong ngumiti. "There's no use if I undergo too much technology treatment dad. I'm going to die in the end." malungkot kong sambit.
"Oh son." niyapos ako ni daddy.
The night after kong matulog kina Kylie, umuwi agad ako kinabukasan at nakipagusap kay daddy tungkol dito. Ayokong magtreatment. Ayoko muna.
"Buo na ba ang loob mo sa hindi muna pag-undergo ng treatment?" tanong ni daddy when he released the hug.
I nodded. "Kapag kasi nagtreatment ako... parang katumbas na nun ung paglayo ko kay Kylie. Dad, hindi ko pa kaya." sabi ko.
"But you have to promise me... ipangako mo na aalagaan mo ang sarili mo." sabi ni dad.
"Opo."
"Be strong, anak." he pats my shoulder.
Ngayon, kailangan ko nang gawin ang lahat para kay Kylie sa abot ng makakaya ko. Diba sabi ko, kaya ko basta nasa tabi ko sya.
The next day...
Sinundo ko si Kylie sa bahay nila.
"Goodmorning!" masayang bati nya tas binigyan ko sya ng halik sa labi.
"Goodmorning din." sabi ko naman.
"Tara na?" aya nya tas naglakad na kami papuntang school.
Sabay kaming naglakad ni Kylie. Hawak hawak ko ang kanyang mga kamay habang naglalakad. Nakangiti sya... nakangiti. Hindi ko mapigilang mapangiti din kapag nakikita ko ung mga ngiti nya. As long as she wears that smile everyday, kaya kong gumising sa panibagong umaga at makita ulit yun.
"Kylie..." tawag ko sa kanya.
Tumingin din sya sakin, "Hmm?"
Tumigil ako sa paglalakad at tumigil din sya sa paglalakad, "Mahal kita." nakangiting sambit ko.
Ngumiti din ako, "Mahal din kita." sagot nya.
Niyapos ko sya. Yung yapos na... yapos ng pagmamahal. Kahit na ito ang unang araw namin bilang magkasintahan, gusto kong iparamdam sa kanya na mula sa simula hanggang sa huli, hindi magbabago ang init ng pagmamahal ko sa kanya.
"Rev... may problema ba?" tanong nya.
Problema? Problema ko ang sakit ko. "Masama bang maglambing?"
"Tss. Rev talaga oh."
I released the hug. "Sarap mo talagang yapusin. Parang nayapos ako ng teddy bear eh." sabi ko tas pinisil ko ang pisngi nya.
"Oo na. Ako na mataba. Imbyerna toh. Madami kayang nagsasabing pumayat ako." depensa nya.
"Oh talaga?!" di makapaniwalang tanong ko. Hinawakan ko ulit ung kamay nya tas naglakad na kami.
BINABASA MO ANG
My Bully Best Friend
Teen FictionNaghahanap ka ng best friend pero ang dumating sayo ay isang bully? LOL. Kawawa ka naman. >:D HeyMisseii Wattpad 2013