“Ayos ka na?” tanong ko kay Rev.
Tumango sya tas uminom ng tubig. Napatahan na rin si Rev. ang tagal din nya bago tumahan. Para syang bata na iniwan ng nanay sa palengke. Pugtong pugto ung mata nya at tahimik sya. Nakaupo kami ngayon ditto sa loob ng moseleyo. Katabi ko din si tito Joe nya. Tanda ko na ang pangalan nya!!
“Kylie, can we talk?” tanong sakin ng ni tito Joa
“Oh sige po.” Tumayo kami ni tito Joe.
“Oh, ano namang sasabihin mo kay Kylie?” bored na tanong ni Rev.
“Wala ka na dun. Tara Kylie.” Tas lumabas na kami ni tito Joe ng moseleyo. “How are you?” ang unang tanong nya sakin.
“Ayos lang naman po. Kayo po?”
“Ayos lang din naman.” Nagbuntong hininga sya. “First time mong makita si Rev na umiyak, diba?” sabi nya sakin, seryoso na sya.
“Opo.”
“Well, simula nung namatay ung mommy nya, palagi na lang syang nalulungkot tuwing inaaalala ung mommy nya. Namatay kasi ang mommy ng katabi nya si Rev eh.”
Napatingin ako kay tito. Malungkot ang expression ng mukha nya. Nagkaroon tuloy ng simpatya sakin. Parehas lang silang nawalan.
“Simula nung mamatay ang mommy nya, humiwalay na sya sa bahay at umupa sa isang apartment. Hindi ko sya maintindihan kung bakit umupa pa sya sa isang maliit na apartment kung gayong kaya ko naman syang bigyan ng condo.” Pagpapatuloy ni tito Joe.
Kaya pala.
“Spoiled si Rev sa mommy nya. Ni-hindi na talaga sya nagawa sa bahay. Ang totoo nyan, wala syang alam na gawaing bahay.” Natatawang sabi ni tito.
Walang alam na Gawaing bahay? Hindi ata totoo un. Ang responsable kaya ni Rev. hindi sya magkakaroon ng lakas ng loob para sermonan ako kung mismong sya, walang alam sa gawaing bahay. Pero hindi eh. Guru yang si Rev eh.
“Pero nung mamatay ang mommy nya, when he decided leave our house and live on his own, dun sya natutong mamuhay nang kanya. Sabi nya, hindi na daw magiging katulad nang dati ang lahat. Kaya gumawa sya nang kanya.”
Nakikinig lang ako kay tito. Eto pala ang rason kung bakit sya tumitira mag-isa sa bahay.
“Sabi ng iba, kahit daw malungkot ung pagkamatay ni Elisa, maganda pa daw ang dulot nito kay Rev dahil naging independent sya.” Tito smirked. “Gusto kong ma-offend sa tuwing sinasabi nila yan. Pero pinipilit ko na lang silang intindihin dahil hindi naman nila alam ang lahat nang nangyari matapos syang iwan ng mommy nya.”
BINABASA MO ANG
My Bully Best Friend
Teen FictionNaghahanap ka ng best friend pero ang dumating sayo ay isang bully? LOL. Kawawa ka naman. >:D HeyMisseii Wattpad 2013