"I like him." Ang una kong mga nasambit nang nakausap ko si Enzo sa phone a week after nung competition last week.
"Talaga?? Kelan mo pa naconfirm?" tanong ni Enzo sa kabilang linya.
"Last week lang."
"Paano mo naman nalaman na sure ka na sa nararamdaman mo?" paninigurado nya.
"Ewan ko nga eh. Basta ko na lang din toh naramdaman." sagot ko.
"Well, that's good. ipaglaban mo nalang ung nararamdaman mo sa kanya. Tutal naamin mo na sa sarili mo, try mong magconfess sa kanya. Kaya mo pa bang mapigilan ung feelings mo?" tanong ni Enzo.
"Sa tingin ko... oo." Sagot ko.
"Pwes hindi tama ang pagpipigil ng tunay na nararamdaman. Habang tumatagal lalo yang lalalim, lalo kang mahihirapang aminin sa kanya. Wag kang gumaya kay Rev." sabi nya.
"Huh? Bakit? Anong meron kay Rev?" nagtatakang tanong ko.
"Matagal ka na nyang gusto. Ung mga pangbubully nya sayo, ginagawa nyang way para matago ung feelings nya sayo. Kaso hanggang sa naunahan sya ni Jared at ito na nga." Sabi ni Enzo.
"Haaaaay..." napahiga ako sa aking kama. " Anong dapat kong gawin, Enzo?" tanong ko.
"Tell him as soon as possible. There's no harm in trying naman eh. If you are rejected, then be it. Accept it. Besides, mukhang hindi ka naman rejected kay Rev dahil into na into un sayo." sabi nya.
"Into na into?? Haaay. Yun na nga eh. Hindi ko alam kung may nararamdaman pa sya sakin o wala eh." sabi ko.
"Ayun lang. Pero hindi mo pa naman nasasabi diba? Kaya wag ka munang magisip ng ka-negahan. By the way, nasabi mo na ba yan kay Kristelle?" tanong ni Enzo.
"Yep. Sya actually ung pangalawang nakaalam." sagot ko.
"Really? Sino ung una?" tanong nya.
"Si mommy." sagot ko.
"Eh?? Anong sabi ni tita?"
"Na ayun nga. Gustong gusto daw nila si Rev para sakin. Tsaka alam daw nila na dadaan un sa ganitong sitwasyon." sagot ko.
"See? Let's just wait and see. Di natin alam... baka may umaaligid na babae kay Rev. Kaya ikaw palagi, maging girl scout! Palaging handa!" sabi nya.
"Hahahaha! Oo na. Tsaka hindi ko naman sila hahayaang lumapit si Rev sa mga un eh." sabi ko.
"Oh talaga? Paano mo kaya un magagawa kung hindi na kayo magkakaklase ni Rev?" tanong nya.
Napatigil ako sa tanong nya, napaisip na din. Paano ko nga ba malalayo si Rev sa mga babae?
BINABASA MO ANG
My Bully Best Friend
Teen FictionNaghahanap ka ng best friend pero ang dumating sayo ay isang bully? LOL. Kawawa ka naman. >:D HeyMisseii Wattpad 2013