PROLOGUE

9.2K 167 27
                                    

BOOK STARTED: APRIL 8, 2013

BOOK ENDED: MAY 22, 2014

May bestfriend ka ba? May nasasabihan ka ba ng mga hinanakit mo? Ng mga problema mo? Ung kasama mo kahit sa anong problema?

Teka, matanong ko nga. Ano bang ideal bestfriend mo? Baka naman tanong ako nang tanong tas hindi mo pa alam ang ideal bestfriend mo. Ano, matalino para makopyahan? Mabait para ilibre ka kahit saan? Malakas para maipangtanggol ka kahit kanino?

Kung ako, tatanungin mo, oo. Gusto ko lahat ng mga sinabi ko sa itaas. Ganan ang ideal bestfriend ko. Yan talaga ang masasabi mong bestfriend! Walang iwanan! Solid tol!

Pero kung ano ang iniisip ko, sya namang ikinabaligtad ng reyalidad.

Alam nyo ang salitang bully? May kilala kayong bully? Naiinis ba kayo sa bullies? Nayayabangan ba kayo sa bullies?!

Kasi ako OO! Inis na inis ako lalo na sa kanya! All he ever did to me is to bully me around kahit wala naman akong ginagawa sa kanya. Ayos din noh? Lalaki sya pero nangbubully sya ng babae. Hindi sya gentleman.

At nasabi ko na ba sa inyo na, bestfriend ko ang bully na yon?

Sige. Libre tawa. Ako na ang kawawa. T___T Hindi ko alam kung ano ang pumasok sa isip nya't sinabi nya saking bestfriend nya ako.

Pero simula non, nag-iba sya. Nangbubully parin sya pero madalas hindi sakin. Naiinis sya kapag may nang-aaway sakin. Ok fine, he's a becoming a good bestfriend though. Atsaka nililibre nya ako minsan. Oo minsan, kelangan ko pa kasi syang pilitin eh. -___-

Pero sa tingin ko, hindi kami magwowork out nito as bestfriends. Kasi palagi nya parin akong binubully eh. T___T

Muntik ko nang makalimutan. He's My Bully Best Friend. Good luck sakin.

______________________________

Maagang pa-prologue jan oh! XD Sorry ang laaaaame. :)) Salamat sa pagsuporta ng mga teasers. Kahit teasers palang naka-400+ reads na. Solomooooot!! Ung trailer ang nasa media. Pwede din namang panoorin. Sorry in advance sa low quality. ^____^

My Bully Best FriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon