A/N: Hindi po ito SPG!! Hindi SPG ang chap na toh! Hahahaha! Special ang chapter na tog! Basta special! Mark the number:23!!! Chapter 23!! Hahaha! <3 By the way, the following events in this story are ENTIRELY fictional. I repeat, ENTIRELY FICTIONAL. Okies? Dedicated to my ever loving besie. :"""> Isang SONE katulad ko. Hi!!!
"KPOP Girl Group na So Nyeo Shi Dae o mas kilala bilang Girls' Generationay nandito na sa bansa para sa kanilang one night concert mamaya sa big dome. Ang nasabing concert ay parte ng world tour ng Korean girl group."
"WAAH! YES!!!" nagtatalon ako sa tuwa. De joke lang. Hindi ako makakatalon kasi naonood din sina mommy kaya nakaupolang pero nakangiti.
Obviously, October 16 na ngayon at kaninang 3am dumating ang GG. Binabalita lang ngayon sa Unang Hirit. 7:30 ung start ng concert mamaya. Isang araw ung nilagpasan noh? Excited ako eh!!!
"Mommy, I'll be out at 12nn. Pupunta po ako sa concert." paalam ko kina mommy.
"Huh?" napatingin si mommy kay daddy at tumingin din si daddy sa kanya.
"Opo. Pupunta ako."
Tumingin si daddy sakin, "san galing ang ticket mo?" tanong nya.
"From a friend. Twin sister po ni Jared." I answered.
"Really?" nagtatakang tanong ni mommy.
"Opo."
They both sighed, "Okay." sabi ni daddy.
"Si Rev..." napatingin ako kay mommy. "Ayos na ba kayo ni Rev?"
"N-nagsorry na po ako sa kanya."
"Did he give some---" dad cut her sentence.
"Mommy." sabi ni daddy tas tumigil mommy tas tumingin si daddy sakin, "why don't you get yourself ready, princess? 8:30am na oh."
"Maya-maya dad. Ang aga pa eh."
Rev's POV (NAKS! NAMISS NYO NOH!??!?! XDD)
Kanina pa akong naghihintay para dun sa lightsticks. Ang tagal namang dumating ng delivery. Ano bang oras na? 9am na oh! Nako. Isusumbong ko talaga toh kay papa.
Knock knock! Lumapit ako sa pinto. Tsk. Lagot ka sakin. Bukas wala ka nang trabaho. Binuksan ko ito at...
"Ba't ba ang tagal nyo?! Gusto nyo bang mawalan ng tra---ba....ho..." napahina ang boses ko sa dulo. Daddy pala ni Kylie ang tao.
"Rev."
"T-tito Daniel. Ano pong ginagawa nyo dito? Pasok po kayo!" pinapasok ko sya. Nang makapasok sya, sinarado ko ung pintuan. Umupo sya dun sa upuan at umupo ako dun sa isa. "A-ano pong ginagawa nyo dito?"
"Rev... I have to tell you someting..."
Kylie's POV
12pm. I'm ready to go!! Waaah!! Na-eexcite na talaga ako!! Dinala ko ung bagpack ko tas nilagay ko ung DSLR ko, wallet, ticket at ung ibang lens sa camera para maganda ang kuha. I'm so excited!!
*BEEP!* From: Blaire
Kita na lang tayo sa big dome. Tawag na lang ako mamaya. See yah!
To: Blaire
Okay :)
Then I hit send. Nilagay ko ang cellphone ko sa bulsa ng pants ko. Nakapantalon lang at simpleng blue shirt ung suot at converse. Dapat comfy ung suot kopara makatalon ng ayos. Hehe.
"Mommy! Alis na po ako!!" sabi ko nang makababa ako sa living room.
"Wait!!" tumakbo si mommy palapit sakin, "sino maghahatid sayo?" tanong nya.
BINABASA MO ANG
My Bully Best Friend
Teen FictionNaghahanap ka ng best friend pero ang dumating sayo ay isang bully? LOL. Kawawa ka naman. >:D HeyMisseii Wattpad 2013