Yung sunod na linggo, pumunta na dito ang sasakyan namin para ihatid kami papunta sa orphanage. Nandito din sa van sina mommy, daddy and dad. Nasa gitna kami ng van nakaupo habang kaharap naman namin sila.
"Rev..." tawag ni mommy kay Rev.
"Hmm?" respunde nya habang nakalagay ang ulo nya sa balikat ko.
"Malapit na tayo." sabi ni mommy.
Ngumiti si Rev at hinawakan ang kamay ko, "T-That's good." he weakly said.
Napaiwas ng tingin sina mommy dail naluluha sila. Hindi iyon kita ni Rev dahil habang nakalagay ang ulo nya sa balikat ko ay nakapikit din sya. Pinigilan ko ang sarili ko sa pag-iyak. Mahirap na. Katabi ko si Rev.
Ilang minutes pa ay dumating na kami sa orphanage. Pinagtulong-tulungan namin na buhatin si Rev para maisakay sya sa wheelchair. Nang magawa na namin iyon, tinulak ni dad ang ang wheelchair, naglakad naman ako katabi ang wheelchair, habang hawak ang kamay ni Rev.
"Magandang araw, Joe." bumati samin ang isang madre.
"Magandang araw din po, sister."
Tumingin sya kay Rev, "Magandang araw, iho."
Nagnod nalang si Rev at ngumiti.
Bumati din kami nina mommy. Mamayang 3PM pa ang start nung play kaya naman nakatambay muna kami. Si Rev, gustong gustong makipag-laro sa mga bata kaya naman pumunta kami sa labas. Pero sabi ko, bawal syang magpagod at nakawheelchair lang dapat sya.
"Kuya Rev, magkwento ka ng kahit ano. Pleeeeaaaasssseee!!" sabi nung isang bata kay Rev.
"Oo nga! Oo nga! Gusto naming marinig!" sabi nung iba.
"Ok sige. Upo kayo."
Umupo ung mga bata sa may puno habang si Rev, nakaharap sa kanila habang nakawheelchair, ako naman nakaupo lang sa bangko dito sa likod nya.
"May isang napaka-gwapong prinsipe na namatayan ng ina. Sa sobrang lungkot nya, naging sobrang pasaway sya at humiwalay sa palasyo ng kanyang ama at pinili manirahan bilang isang ordinaryong tao lamang. Wala syang pinagkatiwalaan sa mga taong nakakasalamuha nya dahil naitatak na nya sa kanyang utak na wala na syang ibang mapagkakatiwalaan kundi ang kanyang yumaong ina."
Napatingin ako sa kanya, sya ba itong binabanggit nyang napaka-gwapong prinsipe? Tss. Conceited pa rin talaga sya. Pero totoo naman. Hahaha.
"Pero nakilala nya ang isang napakagandang prinsesa ngunit hindi naging maganda ung simula nila dahil sa hindi magandang ugali ng prinsipe. Ngunit noong mga panahong iyon, tinatanggi pa nya sa sarili nyang gusto nya ang prinsesa. Hanggang sa naging matalik silang kaibigan."
BINABASA MO ANG
My Bully Best Friend
Teen FictionNaghahanap ka ng best friend pero ang dumating sayo ay isang bully? LOL. Kawawa ka naman. >:D HeyMisseii Wattpad 2013