Chapter 43- By the Way, His Name is Jack Frost

3.6K 45 9
                                    

***Dedicated kay momsie. :")

Rev's POV

3 months later...

"REV! ANO BA ANG TAGAL MO NAMAN!" sigaw ng babaeng nasa tapat ng aking apartment.

"OO NA! ITO NA OH!" sinakbat ko bag ko sa shoulder ko at binuksan ang pintuan.

"Natapos ka din." Inirapan nya ako.

"Matagal ba?" tanong ko.

"OO! Kanina pa akong 6 am dito, ni-hindi mo man lang ako pinapapasok. Napaka-gentleman mo talaga!" inirapan nya ulit ako.

Napatawa ako, "Sino bang may sabing daanan mo ako dito?"

"A-hmm... w-wala! B-bakit?! Masama magmagandang loob?! Ikaw na nga tong sinundo eh. Che." Tumalikod na sya't naglakad.

"Oy Kylie wait lang!" nagmadali akong isara ang pinto at hinabol sya.

"Maglakad ka mag-isa mo! Basta ako sa kotse ako ni daddy! Wag ka nga! Shoo!" patuloy lang sya sa pagdadabog habang naglalakad.

Hinawakan ko sya sa braso, "Di na po. Eto na oh. Tara na. salamat sa pagsundo." Ngumiti ako sa kanya.

Mula sa pagkataas ng kilay nya'y ito'y bumaba sa normal nitong ayos tas tumingin sya sa kamay kong hawak ang kanyang braso, "Bitawan mo nga ako. tara na. naghihintay sa daddy sa kotse." Kalma nyang sambit tas sabay na kaming naglakad papunta sa kotse ng daddy nya.

Tatlong buwan na ang nakalipas mula nung break up nina Kylie at Jared. First day of 3rd year college ngayon. Way to go! Isang taon na lang pala, gagraduate na kami. Dun sa 3 months na nakalipas, mukhang ayos na naman si Kylie. Lagi syang nakaka-ngiti at hindi na sya nagmumukhang stress. Nung kasing week after naming mag-inuman ni Kylie, mukha syang zombie na pumasok nun sa school. As in, ang laki ng eyebags, pugto ang mata, sabog ang buhok at mabagal maglakad. Kulang nalang ng pale make-up, pwede na sya sa warm bodies. Pero sabi nga nila, 'Time heals wound.' Habang tumatagal, pakiramdam ko nama'y nagiging ayos sya. Siguro natatanggap na nya ung fact na, wala na talaga sila ni Jared. (Kami naman. HAHA. Joke lang.)

Buong summer classes, ako kasama nya. aba, kahit nakakapangilabot mang aminin, nakakamiss din naman ang babaeng toh. Alam nyo nung nawala ung pagiging mag-best friend namin, gustong gusto ko syang lapitan nun at kahit kaswal na paguusap lang ay magawa ko pero hindi talaga. Ewan ko. Pagdating sa kanya, ang duwag ko at hindi un maganda dahil ang BADING NUN.

Kung itatanong nyo kung may gusto pa ako sa kanya, wala na. sus! Dun sa 3 months na kami ung magkasama, na-realize ko na hindi ko pala talaga sya gusto. Ewan ko, nasapok ata ako ng pagkalakas lakas. Wag kayong mainis sakin kung hindi ko na gusto si Kylie. Masisisi nyo ba ako? sinong magkakagusto sa taong katulad ni Kylie? Maganda, mabait, prangka, makulit, mataba, masayahin, palasigaw! Tingin nyo, sinong magkakagusto dun?! Ung mga tipong pakiramdam mo, espesyal ka sa taong un kapag nasa tabi ka, ung masaya sya kahit nang-iinis ka na, ung kunwari di concern pero grabe makatanong kung asan ka na at anong ginagawa mo. Mga ganun! Tss. Kaya nga na-conclude ko na, hindi ko na talaga sya gusto... dahil ngayon, mahal ko na sya. Ah ewan! Sa kanya ko nakita ung mga sinabi ko eh. Pakiramdam ko palagi, espesyal ako sa kanya (ok, feeler ako. sorry na. in love lang.), natatawa pa sya kapag iniinis ko sya tas grabe sya maging concern sakin. sabihin mo, SINONG DI MAIINLOVE SA TAONG GANUN ANG TRATO SAYO?! Haaaay!

Pakiramdam ko, sa paglalim na aking nararamdaman para sa kanya, mas nahihirapan akong makisama sa kanya... nahihirapan din akong gumalaw kapag anjan sya. Alam nyo un, nakakailang na minsan kasi minsan, hahawakan na lang nya kamay ko tas imamasahe. Ako naman, di ko mapigilang tumitig sa kanya lalo na kapag ginagawa nya un. Baka isipin nya, lalo akong naiinlove sa kanya. Alam kong lalo akong naiinlove sa kanya pero tama nang ako ung nakakaisip nun, wag na sya.

My Bully Best FriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon