Chapter 35- A goblet of Wine

3.6K 52 10
                                    

(Day 5 –New Year’s Eve)

So maaga kaming gumising dahil mamamalengke kami ng mga ingredients namin sa mga ihahanda naming pagkain mamaya para sa New Year’s Eve. Sinuggest ko na mag-Graham Balls kami kasi alam ko kung pano gumawa nun. Haha.

Mga 12 pm na kami nakarating galing market tas nagsimula na kaming maghanda. Syempre, ako ang naka-assign sa paggagawa ng Graham balls. Ung iba, naman nagawa din ng iba pang ihahanda. Tinutulungan syempre kami ni manang Fely sa paghahanda.

“Galing naman ng baby ko,” Jared hugged me from my back and that was unexpected.

“Oh you scared me.” I gasp.

“Sorry.” Then he kissed my shoulder. “Ano yang ginagawa mo?” tanong nya and nakayakap pa sya sa likod ko.

“Graham balls.” I answered as I make crushed grahams.

“Oh dahan dahan ka naman. Baka mabasag mo ang lamesa at mataga ka ng bugbog.” Nag-aalalang sabi ni Jared.

“Ano ba, sanay na akong mag-ganito noh. Tinuro toh sakin ni mommy and I’ve been doing this for weeks already. So no need to worry.” I assure him.

He buries his face on my neck, “Eh alam mo namang ayaw kong may nangyayari sayo eh,”

“I’m alright. I know what I’m do—“ I was not able to finish my sentence when he whispered,

“Pero gusto kong may mangyari satin.” I felt his smirk that sent shivers through my bones.

I snapped out of it, “Che, tigilan mo nga ako. Balik ka na sa working place mo.” –baka totohanin ko yan.

 

“Haha. Joke lang. syempre naghihintay ako ng right time. And this is not yet the right time,” then he whispered, “at alam kong malapit na yun.” He smirked.

“Ehh! Ja! Tigilan mo nga ako!” I said. Ano ba kasi Jared, pag naging seryoso ako, it’s now or never! Waaaah! Joke lang yuuuun! Nagiging manyak na ang utak ko eh! Kasalanan mo toh Jared. Tsk.

“Haha, eto na titigil na.” then he released the hug tas naglakad na papunta dun sa inaasikaso nyang kaldereta.

Napatingin ulit ako sa kanya then saktong nakatingin din pala sya sakin kaya napaiwas tuloy ako ng tingin at hindi ko alam kung bakit. Waah! Ba’t ko un nagawa? Na-ilang ba ako? Duuuuh! Ba’t naman ako maiilang?

“Ayos ka lang?” napatingin ako sa nagsalita at si Rev pala na may apron na pink. Bakit naman pink?

“Huh? Ahh, oo.” Then nagpatuloy na lang ako sa pagka-crush ng graham.

My Bully Best FriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon