Christmas vacation.
Palapit na ng palapit ang outing ng barkada. Sinusubukan kong hindi magpahalata na sobrang sakit pa rin nung pangyayari samin ni Rev. Pinipilit ko ding sabihing, wag mo na syang pansinin.
Bigla ko tuloy naisip ung magiging atmosphere namin sa outing. For sure, magiging awkward yun. Alam na ng buong barkada ang nangyari. Sabi pa nga sakin ni Kona nung Sunday...
"Hoy. Bawal magback out ha. Sasama ka sa ayaw at sa gusto mo. Harapin mo sya at ipakitang okay ka lang."
Kaya naman hindi na ako pwedeng magback out kahit gustong gusto ko. Mag-a-out of town pa man din sina mommy ngayong Christmas vacation kaya maiiwan ako mag-isa ngayon. Haaaaaay! Edi sana kasama nila ako! Kaso nung nalaman nila may outing kami, hindi na nila ako pinasama at mag-enjoy nalang daw ako sa company ng friends ko.
December 24 ngayon, tas December 26 ng madaling araw, aalis na sina mommy papuntang Europe.
Knock knock Bumukas ang pintuan at nakita ko ang yaya namin. "Maam, pinapatawag po kayo ng mommy mo sa ibaba."
"Osige po. Susunod nalang ako."
Sinarado na yung pintuan. Ako naman, tumayo at nag-ayos ng buhok. Halos maghapon na akong nakahilata sa bed ko kaya mukhang na-rape ang buhok ko. After kong mag-suklay, bumaba na ako at hindi ko inasahan ang nakita ko.
"M-mommy."
"Oh hey anak. Buti naman bumaba ka na." sabi ni mommy. "Oh, bakit hindi ka pa naupo? Upo ka na."
Tinignan ko lang si mommy dahil hindi ko alam ang gagawin ko. Bakit nandito sya?
"Umupo ka na. Sus. Ang tagal ko nang hindi nakikitang magkasama kayo. Wag na kayong maging awkward. Dali naaaaa. Ok lang magholding hands sa harap ko. Hihihi~" kinikilig na sabi pa ni mommy.
"Ha? Ahm... okay." tumabi ako sa kanya. May isang ruler ang pagitan saming dalwa.
"Ganun? Hindi na kayo close? Sayang naman." sabi ni mommy.
"Mommy naman. Baka naaakwardan sila kasi nasa harap natin sila. Hayaan mo lang." sabi ni daddy.
Hindi ko alam ang gagawin ko. Halos hindi ako mapakali sa inuupuan ko. Nabigla ako nang umisod ng mas malapit si Rev sakin kaya mas nararamdaman ko ung init ng denim pants nya sa hita ko dahil naka-pang bahay na shorts ako.
"Ayan! Magkatabing magkatabi na sila. Yehey! Kakakilig talaga kayo! Pwede magrequest?" naeexcite na tanong ni mommy.
"Mommy." sorry, hindi pa nila alam na break na kami ni Rev.
"Ano ka ba? Madali lang tong request ko vago ko sabihin ung sasabihin ko. Dali naaaaa~"
"Ano bang request mo mommy?" tanong ko.
"Holding hands kayo. Daliiiiiii~ Hindi ko kayo madalas makitang mag-PDA eh. Dali naaaaaa~ Hihihihi." kinikilig na sambit ni Mommy.
"M-m-mommy... h-hindi... a-ano..." nabigla ako sa sunod na ginawa ni Rev.
"KYAAAAAAAH~!! OMG. Kinikilig talaga akooooo~" irit ni mommy.
Hinawakan ni Rev yung kamay ko. Ang lamig nung kamay nya, namamawis naman ung kamay ko. What the heck? Bakit nya ginawa?
"Ok ok. Pwede ka na bang magsimula mommy?" sabi ni daddy.
"Ok sige."
Pa-simple kong binitawan ang kamay ni Rev at binitawan naman nya ito. Hindi naman siguro napansin nina mommy yun dahil nagsalita na si mommy.
BINABASA MO ANG
My Bully Best Friend
Teen FictionNaghahanap ka ng best friend pero ang dumating sayo ay isang bully? LOL. Kawawa ka naman. >:D HeyMisseii Wattpad 2013