I am Rev Victor Valdez, kilala ako bilang bully ng school. Kaligayahan ko ang mambully ng ibang tao. Halos ito na ang ginagawa ko araw-araw. Walang nakakapigil sa pangbubully ko. Kapag gusto kong ibully ang taong yun, gagawin ko ang lahat para makuntento ako.
The students in my school see me as a bad threat to their lives that's why they didn't even bother to talk to me or be friends with me. Wala rin naman akong pakelam kung ayaw nila akong lapitan. Wala akong pakelam kung ayaw nila akong maging kaibigan. Para namang gusto ko silang lahat.
I started to hate everyone when my mom died, well, except my dad of course. Pakiramdam ko kasi, simula nung iniwan ako ng mom ko, naubusan na ako ng taong nagpapahalaga sakin, nagmamahal sakin. Wala nang natitirang taong pwede kong pagkatiwalaan.
Pero nakilala ko si Kristelle. She gave me a reason to be happy. Minahal namin ang isa't isa pero may conflict dahil hindi kami nagkaayos ni Jared, ang childhood best friend ko. He liked Kristelle bago ko pa sya tuluyang magustuhan. Parang lumabas ay sinulot ko ang best friend ko.
Aaminin kong nasaktan ako nung umalis si Kristelle na naging dahilan upang kami ay mag-break. Nagkaroon naman kami ng proper closure na naging resulta ng pagkakaibigan sa pagitan naming dalawa. Kaya heto ako, nakaramdam na naman ng pagka-isa sa buhay. Kahit na nagkaayos kami ni Jared, pakiramdam ko, may kulang pa rin sakin.
Hindi ko akalaing dadating ung araw na may taong kukumpleto sa pagiging kulang ko. Nakita ko sya sa hallway, mabagal pa ang paglalakad nya at dahil dun, nainis ako sa kanya. Pagkalingon nya sakin, nakita ko sya... nakita ko ang taong matagal nang napapansin ni Jared... si Kylie Samonte.
Hindi naging maganda ang simula namin. Alam kong ayaw nya sakin dahil naging marahas ako sa kanya. Pinagtripan ko agad sya. Kakatuwa kasi sya kung magalit. Akala ko dahil dun mas magiging kaclose ko sya. Pero nung nalaman ko sa diary nya na gusto nya si Jared, sabi ko sa sarili ko, talo na ako.
Pero dahil naging spoiled ako sa magulang ko, gusto kong makuha ung bagay na gusto ko. Hindi bagay si Kylie pero sya ung taong ginusto ko at gagawin ko ang lahat para makuha ko ang tiwala nya. Natutuwa ako sa mga ginagawa ko sa kanya, pero naiinis sya. Hindi ako sumuko, alam kong makukuha ko ang tiwala nya.
Alam nyo ung feeling na, nakikipaglaban ka sa isang poste. Sinasabi mo sa isip mong mapapatumba mo iyon pero alam mo sa sarili mong, hindi ito lalaban pabalik sayo dahil wala naman ung buhay. Tinanong ko ang sarili ko, bakit ko pa ba pilit na kinukuha ang tiwala nya kung wala na syang isang hinahangad kundi si Jared? Parang nakikipaglaban lang ako sa poste.
Pero nung nakita ko ang kahinaan nya nung binubully sya nina Patricia, dun ko nalaman na kailangan nya ako. Hindi ko rin alam kung bakit ko sinabing best friend nya ako. Hindi ko alam kung paano maging isang mabuting best friend sa isang tao. Hindi ko alam kung paano ko sya pakikitunguhan. Pero wala na akong nagawa.
Akala ko magiging madali lang ang trabaho ng isang best friend. Ang hirap pala talaga... lalo na kapag lalong nalalim ung nararamdaman ko sa kanya. Nung nalaman kong nililigawan na sya ni Jared, parang gusto ko ulit kalabanin si Jared at kunin si Kylie sa kanya. Pero naisip ko rin na hindi ako mananalo. Alam kong dehado ako kapag si Jared ang kalaban ko kay Kylie.
Ang hirap magpanggap na masaya ka kahit sa kaloob-looban mo, gusto mo nang makabasag ng mukha ng tao sa sakit na nararamdaman mo. Kaya ko naman syang gawing maligaya sa piling ko, hayaan lang nya akong gawin yun.
Nakakainis lang. Nakikita kasi ni Enzo ang mahina kong side. Nakikipag-inuman ako sa kanya at maikekwento nalang nya sakin kinabukasan na iyak ako nang iyak habang nainom at sinasabi ang pangalan ni Kylie. Dun ko lang nalamang... naging kahinaan ko si Kylie.
Hindi ko ba alam kung deserve sya ng pagmamahal ko dahil hindi naman nya ito napapansin. Nung nag-race kami ni Jared ng kabayo, iniba nya yung price. Sabi nya sakin, bibigyan nya ako ng chance na makausap si Kylie. Alam na nya kasing gusto ko ang girlfriend nya at hindi pa rin ako nasuko. Kaya sabi nya, ibibigay nya ang oras para makapagtapat ako Kylie kapag nanalo ako sa match na yon. At kapag naamin ko kay Kylie, titignan namin kung sino ang pipiliin nya saming dalawa.
BINABASA MO ANG
My Bully Best Friend
Teen FictionNaghahanap ka ng best friend pero ang dumating sayo ay isang bully? LOL. Kawawa ka naman. >:D HeyMisseii Wattpad 2013