Chapter 71- All My Life

1.9K 50 4
                                    

Author's Note: Nalalapit naaaaaaaaa! OMG. Hindi ko alam kung bakit ako naeexcite na matapos toh. XD Sana basahin nyo pa rin hanggang EPILOGUE. ;) Mahal na mahal ko kayo mga rainbow ko. Nga pala, si Keith at si Nadine ay character sa upcoming story after netong MBBF. Hindi ko pa un ipopost agad right after kong matapos toh kasi magpapasukan pa. XD Hindi ko pa alam kung kelan ko mapopost ang teaser ng story na un. Siguro mid-June. LOLS. Baka kasi maging busy na ako this pasukan, yah know. XD Please don't expect long updates sa nalalapit na pagtatapos ng storyang ito. Wag na kayong magtataka kung isang page lng or dalawa or tatlo ung isang update. Maaatim nyo bang makitang nagdudusa si Rev? :( So ayun. Enjoy reading! I love you all! Spread the rainbow!~

______________________

Nalalapit na ang kasal namin ni Rev. Hindi ko akalaing makakarating kami sa ganitong stage. Hinahanda na rin pala ang kasal nina Jared at Kona. Next month kasi, sila naman ang ikakasal. Pinagpapatuloy ko pa rin ung home schooling ko. Kahit na busy ako sa pag-aaral, hindi pa rin ako nawawalan ng time para alagaan si Rev.

Masakit mang aminin, pero alam kong nanghihina na talaga sya. Gusto ko na syang pagpahingahin pero hindi ko pa kaya. Nagiging selfish na ako. Pero malapit na ang kasal namin. Kahit ikasal man lang kami.

Inimbita ko syempre ung mga friends ko, relatives at lahat na ng kakilala ko. Ako na lahat ang nag-asikaso. Basta kasal namin toh, ako na ang gagawa ng lahat. Best man ni Rev si Jared, maid of honor ko naman si Kristelle. Tas ung mga flowergirls, kumuha na lang kami sa mga pinsan ni Rev na bata. Ung mga pinsan ko kasi puro dalaga na kaya mga abay ang mga un.

Ngayon, papunta ako sa mall para i-meet sina Nadine and Keith. Bibigyan ko sila ng invitation ng kasal namin ngayong darating na Linggo. 

Nagkita kami sa isang restaurant.

"Hi Kylie." bati sakin ni Nadine.

Umupo ako sa harap nila, "Hello." I smiled at them.

"How have you been?" tanong ni Nadine.

"I'm doing good... I guess." umiwas ako ng tingin. "Nga pala," kinuha ko ung invitation sa bag ko, "Please do come." sabi ko habang inaabot ang invitation sa kanila.

Kinuha ito ni Nadine. "Bakit ikaw lang ang nag-aasikaso nito? Hindi ka man lang tinutulungan ng asawa mo." sabi nya.

Napaiwas ako ng tingin.

"Nads," suway ni Keith sa kanya.

"Ok lang, Keith." sabi ko at ngumiti.

"Bakit? Ano bang meron sa asawa mo?" tanong ni Nadine sakin.

I smiled weakly, "Hindi kasi talaga sya pwedeng magpagod ngayon."

"Bakit? May sakit ba sya?" tanong pang muli ni Nadine.

"Nads." suway ni Keith.

"Shut up Keith. Hindi ikaw ang kausap ko." sabi nya kay Keith. "Meron ba?" sagot nya sakin.

I nodded.

"Oh. Sorry." hinging-paumanhin ni Nadine.

"Ang bobo rin ng isang ito. Mang-iintriga tas magsosorry sa huli." sabi ni Keith, hindi nalang ito pinansin ni Nadine.

"Okay lang." I smiled. "Punta kayo ah. Aasahan ko kayo. Dalhin nyo na rin pati ang anak nyo." 

"Oo naman." sabi ni Keith.

"Sige. Una na ako."

Tumango sila at umalis na ako para makabalik sa hospital. Pagkapasok ko doon, hindi ko nadatnan si Rev. Wala sya sa kanyang bed, ganun din sa CR. Hinanap ko sya kung saan saan. Hanggang sa nakita ko sya sa may malaking glass window dito sa hallway, nakaupo sa wheelchair at nakalikod. Dahan dahan akong lumapit sa kanya at tumabi.

My Bully Best FriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon