Chapter 5- New Love?

6.5K 107 10
                                    

Kinabukasan, wash day kasi Friday kaya dapat naka-jeans lang ako. Pero makulit si mommy at pinasuot sakin ang binili nyang dress sa F21 (Forever 21) na para daw sakin. Black polka dot dress sya na medyo mataas sa knee tas tube sya pero may lave na manggas, color black, tinatakluban ng lace na yun ang part na hindi na abot ng tube, taklob ang dibdib ko pati likod tas round neck sya. Pero see through pa rin sya. (click the external link to see the dress). Sinuot ko ang doll shoes kong neon pink tas as usual, pinalantsa ulit ni mommy ang buhok ko tas nilagyan ng hair band na may malaking ribobon sa gilid. Buti na lang hindi na ako pinapalit ni mommy ng bag. Ayos na sakin tong Luis Vuitton bag pack.

Hinatid ako ni mommy sa school. Tas pagkarating ko dun, buti na lang hindi ako center of attraction kasi maraming mas magaganda sakin. Tuwing wash day lang talaga kasi nagkaka-chance na pumorma kaya pagandahan at pa-gwapuhan tuwing Friday.

Nabigla ako nang may tumigil sa harap ko. Isang gwapong lalaki na naka-vneck na shirt tas naka-white pants. Naka-vans naman sya na black tas naka-nerdy glasses sya, ung pang-porma. Sino sya? Si...

"Jared." nanlalaki pa ang mga mata ko nyan.

Ngumiti sya sakin. "Hi Kylie." OMG. Don't do that. I might die!!

Pakiramdam ko tumigil ang mundo ko. Nakangiti sya sakin. Nakangiti. 

"Uhhh... b-bakit??" 

"Wala lang. Itatanong ko lang sana kung available ka sa... sunday."

Is he... "are you asking me out?"

He chuckled. "Galing. Nahulaan mo agad ang pakay ko." he said, amused. "Yep, I'm asking you out. Pwede ba?"

Feeling ko rinig ung ng tao sa paligid. Sa hallway kasi sya nagtanong eh! Eh sikat tong si Jared.

"Uhhh..." I lean forward. "Hindi ba magagalit ang followers mo?" bulong ko.

"Of course not!!! Ano bang pakelam nila?" he's showing his '-i-dont-care-about-them' smile. 

I nod. Ahh. Ganun.

"So, Sunday? Park?"

Chance na toh Kylie! "S-sure."

"Cool. See you." tas umalis na sya. Nagpatuloy naman ako sa paglalakad. Grabe. Totoo ba ito? Jared asked me out!!! HOLO! Ambilis! Kakatingin ko palang sa FB nya kahapon tas eto, he asked me out! WAAH!

Pagkapasok ko sa classroom, umupo ako sa seat ko tas nakangiti lang ako. Hihi.

"Shit! Umagang umaga nakangiti ka. Alam mo ba kung gaano nakakairita ang ngiti mo?!"

Napalingon ako sa likod ko tas si Rev pala un. O, ba't andito toh?

"Ba't ka nanjan?" I glare at him.

"Pakelam mo? Iyong upuan?" he glared back.

"Edi ba naiirita ka sa ngiti ko? Alis jan. Di ka naman jan diba? Dun ka sa UPUAN ko DATI!" 

"Eh sa ayoko dun eh pakelam mo?"

Tss. Di ko na lang pinansin tas hindi na ako tumingin sa kanya. Ngumiti na lang ulit ako. GV ako ngayon. GV! ^______________^V

"Hindi ka siguro tao. Ang tao may ngiting tao ba't sayo ngiting aso? Ano ka, aso?"

Leche. Tinignan ko sya. "Bumalik ka nga sa upuan mo! At least ako nangiti, ikaw hindi! Wala ka sigurong ngipin!! NYAHAHAHAHAHAH!!"

"Hindi naman ako nagmumukhang aso!" pang-aasar nya.

"Mukha ka nang aso!"

"Bleeeeh! Ewan ko sayo!"

My Bully Best FriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon