Chapter 39- Let it Rain

3.5K 53 9
                                    

February, love month. Kakasimula pa lang last week ng February and love is in the air kahit next week pa ung Valentine’s Day. Dun sa months na nakalipas, may something na nagbago kay Jared. Ewan ko. Lately, nagiging busy na sya. Well, ako din naman eh though nagkakatime naman kami sa isa’t isa pero madalang na. and he barely share things with me. Oh well. Siguro Pre-occupied lang sya

Today is Friday so nararamdaman ko na naman ung fever ng weekend. Tatapusin ko lang ung dapat kong tapusin ngayong araw na toh para hayahay lang ako ngayong weekend. Sobrang stressed na ako ngayong week and last week eh.

Pumunta akong canteen ngayon kasi break time namin. Tagal nung professor eh. I was paying my food nang makita kong nag-order din si Kona at kinuha na nya ung order nya. iniwas ko ang tingin ko sa kanya. Baka isipin nya nawiwirduhan ako sa kanya. Kinuha ko na ung order kong fries and drinks nang…

“Hi. Ikaw si Kylie diba?” napatingin ako kay Kona na naka-smile sakin. hinding-hindi nya tinatanggal  ung smile nya nung hindi pa ako nasagot kaya naman sumagot na ako. baka mangalay sya eh.

“Uhm, oo. Bakit?” nakasmile din na tanong ko.

“Ahhh! Ikaw pala un! Dami kasing nagsasabing magkahawig tayo eh.” Nakangiting sabi nya.

“Ah. Haha.” Awkward akong tumawa.

“Tara umupo? Wala pa namang prof eh. Itetext naman ako ni Rev kung meron na.” sabi nya habang natingin sa paligid.

“Itetext ka ni Rev?” tanong ko.

“Yep! Lagot naman talaga sya sakin kapag di nya ako tinext eh.” Tumingin sya sakin at ngumiti, “Tara! Kwentuhan tayo!” hinila nya ako’t umupo kami sa isa sa mga tables dun.

Pagkaupong-pagkaupo namin, ang dami nya agad na kinukwento. Madaldal sya and friendly. Maipagkakatiwala ko naman sa kanya si Rev.

“Ewan ko ba pero ang saya kasi maging kaibigan ni Rev.”

Napatingin ako sa kanya. Sa lahat ng kinukwento nya, jan lang ako naka-interes. No offense pero totoo. “Bakit naman?” tanong nya.

“Alam mo ung kahit bully sya, ang bait bait nya.”

“Binubully ka din ba nya?” tanong ko.

“Minsan. Ewan ko ba dun. Ang hilig mambully kahit na nung una kaming nagkakilala, binubully na nya ako. naiinis na nga sya sakin simula nung umupo ako sa harap nya eh. Tas lagi nya naman akong kinukulit. Ewan ko kahit nakakainis na minsan, nakakatuwa din kasi may instant friend na agad ako.”

Parang ganun lang din ung unang nangyari samin ah. Palagi nya akong binubully pero sya naman ung nangungulit sakin. teka, di kaya… may possibility na maging mag best friend sila?

“Dun sa America kasi wala akong kaibigan. Wala akong kaclose. Kaya naman sobra akong natutuwa ngayon kay Rev.” sabi nya. “Naging kaibigan mo ba sya?” tanong nya.

“Huh? Sino?”

“Si Rev.” sagot nya.

I smiled, “Ah, oo.”

“Ang bait nya noh?” sabi nya.

“Oo. Though sobrang nakakabwisit na ung ugali nya, mangingibabaw pa rin ung pagiging kabigan nya sayo. Lagi ka nyang first priority. Alam mo ba, kapag galit sya sayo, sesermonan nya ng words of wisdom nya na sobra namang tagos sa buto. Tas kapag may nang-aaway sayo, papabayaan ka lang nya. ayaw nya kasi ung naaapi ung kaibigan nya. sa kanya ako natutong makipag-away eh.”

“Alam mo,” napatingin ako sa kanya at nakatingin sya sakin. “Sa dami ng sinabi mo… lalo ko tuloy nagustuhang maging friend si Rev.”

What? “Naku wag! Matagal ko syang naging kaibigan at lagi kami nung nag-aaway. Wala kaming matinong usapan.” Oh geh Kylie. Ano naman yang ginagawa mo? Bine-brain wash mo? Ganun?

My Bully Best FriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon