The next day, nagtaka si Rev kung bakit daw namumugto yung mga mata ko. Sinabi ko sa kanya na na-overdose ako sa message pills nya para saken. He laughed at me, telling me I shouldn't have overdosed myself with it.
"Gusto kong maggala ngayon." sabi ni Rev habang nakaupo sya sa wheelchair nya at nakatitig sa labas ng bintana.
"Mapapagod ka Rev." umupo ako sa harap nya.
He smiled weakly, "Palagi naman akong pagod... nakakapagod tong sakit kong ito." nakatitig lang sya sa labas.
Hinawakan ko ang kamay nya, "Hey, you still have me, right? Hindi naman kita iiwan."
"Pero maiiwan kita." he whispered, he looked up, "hanggang kailan na lang kaya ako dito?"
"Don't say that, Rev." pagpupumigil ko sa kanya tas napatingin sya sakin. "You will not die, I promise." tumulo ang luha ko.
"I'd rather hear the truth than lies. Ayoko nang umasa pa." he smiled weakly.
"Nakakainis ka naman eh," napaiyak ako. "Bakit ba iniisip mong mamamatay ka? Gusto mo na bang mawala sakin? Gusto mo na ba akong iwan?"
"Hindi naman sa ganun. Ayoko lang paasahin ang sarili ko." he smiled at me. "Now that I'm dying, shall we do something memorable?" aya nya.
I looked at him with disbelief in my eyes. Ayokong isipin na malapit na. Ayokong isipin na maiiwan nya kami. Ayoko. Ayoko.
"Kylie..." he held my hands, "I'll be okay." he assured me. He wiped my tears away. Hinawakan nya ung tyan ko. "Gusto mo bang sabay tayong bumili ng baby things ng anak natin?" aya nya.
"Rev naman eh." naiiyak pa rin talaga ako.
"Ano ka ba? Bibili lang naman tayo eh. Gusto kong pumili na gamit sa magiging prinsesa ko."
Ano pa nga bang magagawa ko? Kahit na labag sa kalooban ko, nagbihis na ako at binihisan ko sya. Hindi naman sa ayaw kong lumabas kami kaso bakit ganun? Kung kumilos sya... parang ramdam na nya na... malapit na? Wag. Wag muna. Hindi pa ako ready.
Mas pinili nyang hindi magwheelchair dahil mapapagod daw ako sa kakatulak nun. Ayos lang naman saking magtulak nung kanyang wheelchair kaso sya talaga tong may ayaw. Magkahawak ang aming mga kamay habang kami ay naggagala. Nakakainis ung tingin ng mga tao sa kanya. Porket nakabonnet sya at face mask, pinagtitinginan na sya para bang bawal sya dito sa mall.
"Tara sumaglit sa artworks." aya ko.
"Okay."
Pagkapasok namin sa store na un, pumili agad ako ng bonnet at facemask. Nung binayaran ko ito, pumasok muna ako sa fitting room para isuot ito. Tinaas ko lahat ng buhok ko at pinasok sa bonnet kaya parang wala din akong buhok. Hindi ko nilawit ung bangs ko tas nag-face mask na din ako. Pagkalabas ako, nabigla si Rev nang makita nya ako.
BINABASA MO ANG
My Bully Best Friend
Fiksi RemajaNaghahanap ka ng best friend pero ang dumating sayo ay isang bully? LOL. Kawawa ka naman. >:D HeyMisseii Wattpad 2013