October 1. Natatandaan nyo ba kung anong meron dito sa date na toh? Hmmm... sige nga. Hulaan nyo.Hahaha.
"Kylie!!! Anak! Andito na sundo mo!" parinig kong sigaw ni mommy mula sa ibaba.
"Opo!" kinuha ko na ung bag ko tas sinabit ko sa braso ko ung coat ko at lumabas na sa kwarto ko.
Pagkababa ko...
"Kylie, birthday pala ngayon ni Jared!! He's coming over here later for a dinner. Isama mo na pati si Rev, okay?"
"Okay po." I smiled.
"Osige. Alis na kayo't baka ma-late kayo."
"Sige mommy. Babye."
"Sige po tita." sabi ni Jared.
Pagkalabas namin ng bahay, tumigil kami sa may sidewalk para mag-intay ng taxi. Ayaw nya daw munang mag-drive dahil nahahati ung oras nya sakin.
Nang makapara sya ng taxi, pinagbuksan nya ako ng pinto at pumasok din sya. Pagkapasok nya...
"Ayos ka lang?" tanong nya.
I smiled. "Yep."
"Sinabi ko na nga pala sa mommy mo."
"Na...?"
"Na nililigawan kita. At na gusto kong magpakilala ng pormal sa kanila."
"Ahhh." Waaaaaaaaah! Naaalala ko na naman nung isang gabi!!!
*Flashback*
"Pwede ba kitang ligawan?"
Pagkatapos nya ung sabihin, naramdaman kong nagka-fireworks sa puso ko... ay, pumotok na pala ung mga fireworks.
Hindi ko alam kung ano ang irereact ko. Kaya nakatitig lang ako sa kanya. Ano, o-oo ba agad dapat ako? Irereject ko? Pero teka, di ko nga alam kung gusto nya ako eh.
"Uhhh..." I'm out of words.
"Masyado ba akong naging mabilis? Sorry talaga. Para talaga dito kaya ginala kita. Gusto kong ligawan ka. pero mukhang sobrang bilis neto. Sorry... D-don't mind that. Just pretend that you didn't heat that line." patayo na sana sya pero...
"Gusto kong..." napatigil sya sa salita ko. At last! Nahanap ko na ang boses ko! "G-gusto kong malaman... ma-malaman k-kung... a-anong nararamdaman mo sakin."
He sighed tas umayos sya ng upo, "Gusto kita... ay mali... di tama pala. Gusto kita..." ang gulo nya! "Totoo Kylie, gusto kita. Hindi ko alam... hindi ko alam kung paano ko ito naramdaman sayo. Basta ang alam ko lang... masaya ako kapag kasama kita, komportable ako sayo, ang totoo nyan, sayo lang ata ako nagkaganito."
Tahimik lang ako. Bukod sa di ko alam ang sasabihin ko, ang bilis pa ng tibok ng puso ko.
Hinawakan nya ang kamay ko, "Hayaan mo sana akong ligawan ka. Ayos lang kahit basted ako... basta... aish, teka." tumalikod muna sya sakin.
Hindi ko tuloy alam kung matatawa, kiligigin o mawi-wirduhan ako sa kanya ngayong nagcoconfess sya sakin. Pero mas pinili kong maging impassive na lang... pero natatawa, pinipigilan lang. Ano ba yan. Nahahawa na rin ako sa kanya. Ang gulo ko na. Haha.
After nyang maka-get over, humarap sya sakin, "Okay, game. Eto na talaga." nag-inhale exhale pa sya.
"Okay...?"
"Kylie P. Samonte... Jared J Jimenez is here in front of your... to ask if... we can date. I promise to be good to you, take care of you and make everyday happy together," hinawakan nya ang kamay ko, "Kylie... let me court you."
Let me court you, let me court you, let me court you... Aba Kylie sagot!! Ano na?! Sunggaban mo na si fafa Jared mo! Gusto ka na nyang ligawan oh! Gorabels na! Yapusin mo sya't mamuhay kayo nang masaya!
BINABASA MO ANG
My Bully Best Friend
Teen FictionNaghahanap ka ng best friend pero ang dumating sayo ay isang bully? LOL. Kawawa ka naman. >:D HeyMisseii Wattpad 2013