Chapter 21- Mission: Sabotage... Failed

4.7K 64 7
                                    

AN: DEDICATED SA AKING MOMSIE, MIMHYTOT. MAHAL NA MAHAL KO YAN. GRADUATE NA YAN!!! HAHAHAHA! BALANG ARAW, AKO DIN ANG GAGRADUATE. MALAPIT LAPIT NA AKO. :)) 

Friday ngayon. Haaay. Isang araw na lang... birthday ko na. 19 na ako. Akala ko isang linggong di papasok si Jared. Pero thank God at pumasok na sya.

"Kamusta---"

"Bakit ngangayon ka pumasok?" tanong ko.Tinabihan nya kasi ako dito sa room, sa seat ko. "Pumasok ka pa. Biyernes na." aniko.

"Namiss mo ako?" may ngiting parang ewan si Jared.

"Hindi. Worried lang." umiwas ako ng tingin.

"Hmmm." tumango sya tas sumandal sa upuan.

Namiss ko naman talaga sya pero ayokong sabihin un kasiparang... ang landi ng dating... di pa naman kami eh.

"By the way, free ka ba sa sunday?" tanong nya.

Sa birthday ko? "Uhmmm... wala naman ako-" di nya ako pinatapos.

"Cool! Date tayo!" aya nya.

On Sunday whole day? On my birthday?! A date on my birthday?! "Sure!"

"Wear something nice, ok? Yung lagi mong suot na dress. Ang cute mo dun eh." sabi nya with a smile.

"Okay." why do I feel weird about this date? "Hoy, baka kung anong date yan ah. Pa-wear wear something nice ka pa." sabi ko.

"Di ah. Di ako ganun. Susunduin kita senyo... hmm... 1:30 will do. Okay?"

"Okay."

Then nagsimula na ang klase. Napansin ko lang. Wala si Rev sa likod... aaminin ko... isa rin sya sa namiss ko. Ni-hindi man lang sya nagparamdam simula nung nag-away kami. Walang bwisit. Walang makulit.

Don't get me wrong. Best friend nya ako. An I'm sure kahit ung ibang magbestfriend dyan, kapag di nagpapansinan, namimiss din ang isa't isa. Well, sa sitwasyon ko, mukhang ako lang ung nakakamiss sa kanya. Birthday ko na sa Sunday. Di pa kami nagkakabati. Kelangan ko na nga atang babaan ang pride ko.

Mabilis tumakbo ang araw. Siguro sa sobrang excitement na dun. Sunday na ngayon at birthday ko na. Time check: 8:30am. Pagkababa ko sa living room, sinalubong agad ako ng aking mga magulang.

"Goodmorning princess. Happy birthday." bati sakin ni daddy tas niyapos nya ako.

"Thanks dad." I hug him back.

When he pulled off the hug, si mommy naman ang bumati sakin.

"Happy birthday munchkin." niyapos nya ako.

I hug her back. "Thanks mom."

"Are you going out today?" bulong sakin ni mommy.

"Yes mom. I'm going out with Jared."

"Bati na kayo ni Rev?"

Nabigla ako pero di ko pinahalata. Alam ni mommy na hindi kami ayos ni Rev? "H-hindi pa po." sagot ko na lang.

"You two should make up. Magbato na kayo," she releases me, "okay?"

"Okay mom." I smiled.

"Hmmm... let's have our breakfast then." sabi ni mommy tas kumain na kami.

Pagkatapos naming kumain, nag-open ako ng Facebook ko. Marami ang bumati sakin. Mga relatives, friends (pero konti lang), ung iba, di ko kilala. Patuloy lang ako sa pagscroll down sa timeline ko. Wala man lang bati mula kay Rev. Di ko alam kung dapat akong mainis o malungkot. Parang mixed yung nararamdaman ko... argh! Ewan ko sa kanya.

My Bully Best FriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon