December 13.
Miss na miss ko na si Rev. Nakakamiss yung pagpunta punta nya dito sa bahay. Gusto ko na ulit sya makita. Iilang araw palang kaming magkaaway pero heto ako, sobrang namimiss sya. Sya kaya, namimiss kaya ako? Haaay. Saturday na Saturday, wala akong magawa. Nakatunganga lang dito sa kwarto ko.
Sa sobrang boredom, naisipan kong tawagan si Kristelle to come over. Pumayag naman sya kaya naman on the way na sya ngayon. Mga 15 minutes, naka-rating na din sya.
"Maam, may bisita po kayo." sabi nung katulong namin na nasa labas ng pintuan ng kwarto ko.
"Geh lang po. Papasukin nyo po." sabi ko. Alam ko kasing si Kristelle yan eh.
Nagbukas ang pintuan at pumasok naman ni Kristelle.
"Hey, anong meron? Bakit mo ako pinapunta dito?" tanong nya tas umupo sya sa sofa.
"Wala lang. Ayaw mo ba?" tanong ko.
"Hindi naman."
I smiled. I tried hard to smile.
"Hey, ayos ka lang ba? Bakit parang malungkot ka?" nag-aalalang tanong nya saka tumabi sakin dito sa kama.
Hindi ko na napigilan... kusang tumulo ang luha ko.
Nilagay nya ang kamay nya sa likod ko, "Hey, bakit ka umiiyak?"
"Ang... ang... ang sakit kasi." sabi ko habang naiyak.
"Bakit? Anong masakit?" tanong nya.
"W-wala na... w-wala na..."
"Wala na ang ano?"
"W-wala na... w-wala n-na k-kami..." sabi ko habang naiyak.
"Ni Rev?"
I slowly nodded.
"W-what? A-anong nangyari? P-paano?"
I restrained myself from crying so hard. Ginamit ko din ang energy ko para makapagsalita kahit na umiiyak ako. "Last w-week, I saw a video of him, m-making out with someone. I-I didn't b-break up wi-with h-him k-kasi... gusto kong m-mag-explain sya sakin. K-kasi... k-kasi handa naman t-talaga akong m-makinig s-sa k-kanya eh." I said between my sobs. "S-sa s-simula lang sya sorry nang sorry sakin. Ha-hanggang sa t-tinigilan na nya ako. Ni-ni-hindi n-nya ako t-tinetext, o-o k-kaya tinatawagan." I sob. "Alam mo yu-yun? Iniintay k-ko lang n-naman sya eh."
"Then?" tanong ni Kristelle na patuloy sa paghagod sa likod ko.
BINABASA MO ANG
My Bully Best Friend
Teen FictionNaghahanap ka ng best friend pero ang dumating sayo ay isang bully? LOL. Kawawa ka naman. >:D HeyMisseii Wattpad 2013