Chapter 1 : Kara Alcantara

2.5K 42 1
                                    


Kara's POV


Bored akong naglalakad habang hila-hila ang napakalaking maleta ko at buhat-buhat ang backpack ko. Kauuwi ko lang galing New York and I must say, Namiss ko ang Pinas.


"Kara! Wala na bang mas ibibilis yang lakad mo? You're so slow!" 

Napairap ako sa boses ni mommy. Hindi naman ako mabagal maglakad, sadyang mabilis lang talaga siya. Ang OA masyado, kala mo isang taong di nakauwi dito eh isang buwan lang naman kami sa New York.


Hindi pa pala ako nagpapakilala. My name is Kara Alcantara, half American. 1/4 Korean and 1'4 Filipino. My Daddy is full American while My mom is half Korean and half Filipino.  4th year highschool, ano pa ba? Ah! I'm good at dancing and singing. Magaling din ako sa arts and I'm a salutatorian when I graduated in Elementary. Motto ko sa buhay? Simple lang naman. Get out of my way if you don't want you're hair gone.

Mabait naman ako, wag niyo lang akong aabusuhin dahil hindi niyo alam kung paano ako magalit. Sabi nga nila, masamang ginagalit ang mga mababait.


Naglakad na ako ng mabilis para makahabol kay mommy. Masyado kasing kinareer ang pagbibilis ng lakad. Hello! Nandito pa kaya ako!


"San tayo pupunta?" tanong ko ng makita ang sandamakmak na guards na pinadala ni Daddy. Ang OA talaga nila kahit kailan. 

Binigay ko na ang mga maleta ko sa kanila na agad naman nilang kinuha. Tapos tumingin ako kay Mommy ng nakangiti. "Let's go mom. I miss my daddy" malambing na saad ko


She raised her brow at me. Ano na namang problema ng matandang to? 

"Sinong may sabi na sasabay ka sa akin? I'll leave you here sweety. Just wait for him. In fifteen minutes, I'm sure he'll be here"

Napairap ako sa sinabi niya, Gawd! Ang isang dyosang katulad ko, dapat hindi pinaghihintay. Hindi ako umuwi ng Pinas para makita ang hinayupak na sinasabi ni Mommy. Mas mabuti ngang wag nalang siyang magpakita sa akin.

"Don't think about it too much Dear, I'll go now okay? See you in you're halmoni's (Lola's) house"


Wala na akong nagawa ng iwanan na ako ni Mommy. Grabe siya oh. Talagang nasikmura niyang iwan ako dito? Ang sarili niyang anak? Fvck lang talaga.

Tinignan ko ang wrist watch ko. Oorasan ko nalang ang hinihintay ko. Tutal naman, mukhang malelate na naman siya. At least may pambungad ako sa kanya.


"10 minutes" basa ko ng makitang 10 minutes na ang nakalipas. Fifteen minutes huh. Mukhang tulog pa nga yun hanggang ngayon. He's not an early person.

Nang maboring ako, lumabas ako ng airport ng hindi ko namamalayan. Masyado na akong matagal na naghihintay, mukhang hindi din naman siya dadating. Nakakita agad ako ng taxi kaya agad ko itong pinara.


"Manong, sa pinakamalapit na mall po" sabi ko

Masyado akong stress this past few months. Kailangan ko ng mag unwind. 

Siguro 30 minutes ay narating ko yung mall. Wow! I miss shopping! Mabuti nalang at dala ko lahat ng credit cards ko, dala ko rin ang cellphone ko. Ng makababa ako sa taxi, agad akong pumasok sa mall, ang una kong pinuntahan ay ang boutique na nakita ko kung saan maraming magagandang dresses.

Rule Number OneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon