Chapter 58 : Almost

364 13 1
                                    


Vielle's POV


"Bitch! Bitch open the door! Bilis!!"

Napabalikwas ako ng bangon dahil sa malakas na katok na nagmumula sa labas ng kwarto ko. Kinusot-kusot ko pa ang mata ko at kinurot ang sarili ko para masigurong hindi ako naghahallucinate.

"Hoy! Open the door!" Mas lalo pang lumakas ang katok kaya kahit na ayoko ay tumayo ako at pinagbuksan si Janina ng pinto.

"Anong problema mo?" Nakakunot-noo kong tanong. She grinned widely which made me frown even more.

"You won't believe this bitch. Look!" She showed me her phone at kinailangan ko pang i-adjust ang paningin ko dahil sa taas ng brightness neto. Lintek talaga.

I snatched her phone away at bumalik sa higaan ko. Janina sit beside me and grinned again. Hindi ko nalang siya pinansin at itinuon ang atensyon ko sa pinapakita niya sa akin.


"What the fuck?" Kumunot ang noo ko at tumaas ang kilay ko sa nakita ko sa screen. It was the school's website. Nandun ang picture ko pati picture ni Travis na magkasamang naglalakad. Eto yung time na pumunta siya sa old building na nagkita kami. We went to the mall that time para mamili ng gamit, I didn't know someone took a picture of us.

"You guys are the top article do you know that?" Bumungisngis pa si Janina sa likod ko. True enough, kami nga ang trending sa school website.

"Kent Harrison and Vielle Alcantara back together." Hindi ko mapigilang mapakunot-noo dahil sa title ng article. What the fudge?

"Find the person who posted this. Now." Nanggigigil ako. Who do they think they are to question my relationship with that brute? Eh kung ako nga ay hindi alam kung anong relasyon namin ngayon. Kung meron bang matatawag na kami o kung magkaibigan ba kami or what.

"Wae? Ang cute kaya! Don't tell me affected ka? Hmm? Hmm?" Tinusok-tusok pa niya ang tagiliran ko kaya mas lalong sumama ang timpla ng mukha ko. Lintek. Lintek na buhay to.

"Hindi ka pa ba papasok?" I changed the topic. Tutal ay naka-uniform narin naman siya. Nag-pout siya bigla pero tumayo din agad at kinuha sa akin ang phone niya.

"I will go to school now. Behave okay?"

"What am I? A kid?" Sinamaan ko siya ng tingin.

"I'm just saying." Tumawa siya ng malakas. "I'm going."

Winagayway ko nalang ang kamay ko sa kanya at nang makalabas na siya ay agad akong napahiga sa kama ko. I'm tired. Really really tired.

I was about to close my eyes when I heard the familiar tone of my phone. Inabot ko yun sa may bedside table at sinagot ang tawag without looking at the caller's ID.

"Hello?" Humikab ako. Ugh. I'm sleepy.

"Yah! I'm not going home tonight. Ikaw nang bahala diyan."

I heard the voice of Janina on the other line. Ibinukas ko ang isang mata ko at gumulong sa kama.

"And why are you not going home?" Nagtatakang tanong ko dito.

"I'm going to my grandparent's house. Grandma invited me for dinner. I'll just call you later."

Hindi na ako sumagot at hinintay nalang na madisconnect ang tawag. I just sighed at muling tinignan ang cellphone ko.


No texts nor calls from him.


San naman ba siya pumunta at bakit hindi siya umuwi kagabi? Ugh. That guy is really killing me slowly. Hindi na ako magtataka kung balang araw siya ang magiging dahilan ng kamatayan ko.

Rule Number OneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon