Chapter 24 : Everything Happens For A Reason

764 15 0
                                    


"Holding a grudge doesn't make you strong. It makes you bitter. Forgiving doesn't make you weak. It sets you free."

_______________________________________________________________________

Ashton's POV


"Okay ka lang?"

Inabutan ko ng bote ng tubig si Casey. Her dark eyebags. Ang namumula niyang mata. She looks like a zombie right now. Ano na naman bang nangyari sa kanya?


"I'm sorry. Pero. Pwedeng iwan mo muna ako? I just want to be alone" was her reply


Nakatingin lang siya sa labas ng bintana. It's still early. Maaga akong pumasok kaya nagulat ako ng makitang nandito na rin siya. Casey Cellestial is not an early person so it's still shocking to see her being here.

Wala akong nagawa kundi ang tumayo. But I tap her shoulders bago siya iwan mag-isa sa room. She looks like she's not herself. May nangyari bang hindi ko alam?


Dumiretso ako sa may library. Matutulog nalang siguro muna ako. Tutal naman, hindi ako maayos na nakatulog kagabi.


I sat on our usual table at inubob ang ulo ko sa table. But it's been how many minutes pero hindi parin ako dinadalaw ng antok, so I just decided to grab a book. Naglakad-lakad ako sa pagitan ng mga shelves, trying to find an interesting book. But instead, I found something. No, it's someone.


"What are you doing here?" Tanong ko sa kanya. She's sitting on the floor, books around her. Nagbabasa siya at natigil lang ng magtanong ako.

"Bakit? Pinagbabawal na ba ako sa library?" Mataray na tanong niya at inirapan ako


Natawa ako dahil sa inasal niya. Janina Marie Saragoza. You never fail to impress me with you're wicked side.


"It's still early. Bakit ka nandito ng mag-isa? Hindi ka ba natatakot?" I asked again at sumandal sa shelf.


Binalik niya ang tingin niya sa libro at hindi sinagot ang tanong ko. She's really a snob. Kaya hindi ko alam kung anong nagustuhan ko sa kanya.


Yes. I like Janina Marie Saragoza. I like the girl in front of me. Matagal ko na siyang gusto. And I know Alexander's not dumb to realize that. I like Janina from the time I saw her. Pero pinasantabi ko ang nararamdaman ko. Bakit? Dahil sila ni Alex nun. At hindi ako ang tipo ng taong naninira ng relasyon, lalo na't kaibigan ko.


I didn't know what I liked about her. She's moody, snob. She really have many bad habits. Masungit siya at palaging naghahanap ng away. She's so far from my ideal type pero sa kanya ako nagkagusto.


Alam ko naman ang lugar ko. Alam ko kung san ako lulugar. Sa totoo lang, nagulat ako ng bumalik siya dito. I thought after what she did back then, hindi na siya magdadalawang isip na bumalik pa. But she did. She did came back. At alam ko kung bakit siya bumalik.

Hindi mahirap basahin si Janina. Alam kong hanggang ngayon, mahal niya parin si Alex. And that's the truth I can never change. Alam kong si Alex lang ang mahal niya. Kay Alex lang siya nakatingin. She never gave glance at me. And I know she'll never will. I'm completely aware of that. Alam kong hindi niya ako kayang mahalin, ni tignan hindi magawa. Kaya hanggang ngayon, hindi ko parin lubos maisip kung bakit siya pa. Kung bakit sa kanya pa ako nagkagusto.

Rule Number OneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon