Chapter 64 : Fear

427 12 1
                                        


Vielle's POV


Naguguluhang napatingin ako kay Travis pero isang simpleng kindat lang ang isinagot niya sa akin.

Biglang bumukas ng malakas ang pinto at sa pag-aakalang kalaban yun ay mabilis kong kinuha kay Travis ang kutsilyo at ibinato sa may pinto.


"Woah! Easy lang pare, hindi ako kalaban!"

Napakunot ang noo ko habang nakatingin kay Ashton na nakataas ang dalawang kamay sa ere. Nasa harap niya si Travis at nasa pagitan ng daliri nito ang kutsilyong binato ko. Now when did he get there?

"Masyadong matapang yang girlfriend mo pare! Hiwalayan mo yan, pati ako papatayin!" Sumbong ng walangya ng makarecover na sa gulat.

Mas lalong kumunot ang noo ko ng makitang naglabas ng baril si Ashton at binato kay Travis. "Baka kailanganin mo." Ngumisi siya sa amin bago ako tignan. Walang ano-anong nagbato rin siya ng baril sa akin na siyang nasalo ko agad.


"Teka. Anong nangyayari?" Pakiramdam ko ay napaglaruan ako. Yung pagsabog, yung kutsilyo, si Ashton. Teka! Paano nakapunta si Ashton dito?!

"I figured you'll ask." Ngumisi sa akin si Ash bago gumilid. Nakita ko ang mga tauhan ni Andrei Chua na nakasalampak sa sahig at mga walang malay.

"Anong nangyayari?!" Ulit ko. Kanina lang ay iba ang atmosphere. Tapos ngayon, biglang may sumabog at nandito na sa harap namin ang mokong na to. What the hell did just happened?!

"You think we're dumb enough to attack without a weapon?" It was Travis. "I said it to you already, baby. May alas pa ako."

Bago pa ako makapagsalitang muli ay nahila na niya ako palabas ng kwarto. Pagkalabas na pagkalabas namin ay narinig ko ang sunod sunod na putukan ng baril at ang ilang pagsabog sa buong lugar.


What the hell is happening right now?!


"Allison!"

Sabay kaming napalingon ni Travis sa tumawag sa pangalan ko. Agad kong nilabas ang baril ko nang makita ang taong papalapit sa amin. It's my dad. No. You can never trick me again.

"Stay away you demon! Hindi ako magdadalawang isip na paputukin to." Malamig na saad ko sa kanya.

Ang unang akala ko ay lalaban din siya pero nagulat ako ng makita ang ngisi sa mukha niya. He looks so happy... and proud?

"That's my girl." He said na siyang nagpagulo sa akin.

Biglang hinawakan ni Travis ang kamay ko at binaba kasama ang baril na hawak ko. Sunod na ginawa niya ay ang tumingin sa taong nasa harap namin at tinanguan ito.

"He's your dad." Sabi niya. Naramdaman ko ang panginginig ng mga kamay ko dahil sa narinig mula sa kanya. It can't be.

No... No. Andrei Chua said my dad is already dead. Papaanong nandito siya sa harap ko ngayon? Paanong buhay siya at nakangiti sa akin ngayon? It can't be.

"We'll talk later baby girl." The guy in front of us said before passing us. Nabato ako sa kinatatayuan ko matapos marinig ang sinabi niya. He called me baby girl. He called me baby girl.

"We don't have time for that. Let's go baby. I'll explain it to you later." Hinila akong muli ni Travis. Nang may makasalubong kaming tauhan ni Andrei Chua ay walang ano-anong binaril niya ito sa tuhod at balikat bago hampasin ng baril sa batok.

Rule Number OneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon