Vielle's POV
"Are you okay? Kanina pa kita kinakausap."
Natigil ako sa pag-iisip at bumalik sa realidad nang kulbitin ako ni Arriane. Nakakunot ang noo niya habang nakatingin sa akin.
"Something bothering you?" She asked. Umiling ako dito at ngumiti. "I'm fine."
Binalik ko uli ang tingin ko sa may bintana. We are currently riding a school bus dahil ngayon ang three days and Two nights naming out of town trip.
Ayos narin sila Arriane and I'm very thankful for that. Alam kong hindi pa niya natatanggap nang sobra ang pagkawala ni Stefan, but I'm thankful dahil nagpakatatag siya. She's already smiling and that's a good sign for me. Ayokong habang buhay silang magtago sa dilim dahil lang sa nangyari.
"Hindi ba hiwalay na sila? OMG. Bakit kaya?"
"Duh! Malamang may pinag-awayan. It's either may iba na yung isa o talagang hindi na nila mahal yung isa't isa."
"Their relationship is such a waste."
Hindi ko pinansin ang mga narinig kong bulong-bulungan. Truthfully, sawang sawa na ako sa mga naririnig ko. Ilang araw na ring kumakalat ang balitang wala na kami ni Travis. Yeah, the annulment papers are that fast. Parang kahapon lang, masaya pa kaming dalawa.
Napangiti ako ng mapait. I should stop dreaming a happy ending with him. Dahil alam kong malabong manyari yun.
Our parents are disappointed to us. Hindi namin sinasabi ang dahilan kung bakit kami naghiwalay. We are back to our old places. Me living with my parents and him living with his. Walang nagtangkang bumalik sa dati naming bahay.
"Don't mind them." Arriane whisper to me.
I'm glad dahil naiintindihan nila ang sitwasyon ko. Kahit na alam kong sobra silang nagulat sa biglaang paghihiwalay namin, they still tried to understand me. Kung wala sila sa tabi ko, malamang may katangahan na naman akong ginawa. That is certain.
Kinabit ko nalang ang earphones sa tenga ko para hindi marinig ang usap-usapan ng ibang babae. Nakahiwalay kasi ang girls sa boys kaya puro babae dito. And that means, maingay dito.
Tumigil ang bus namin dahil sa traffic, at saktong may tumigil na bus sa katapat namin. My heart skipped a beat when I saw him. Katapat siya ng bintana ko. Nakasandal siya sa bintana habang may earphones na nakalagay sa tenga niya at mahimbing na natutulog.
I glance away. Baka mamaya makita niya pa akong nakatingin sa kanya. Mahirap na.
"Why get an annulment if its clear that you two still love each other?" Mahinang bulong ni Arriane na siyang narinig ko. Hindi ako sumagot at pinikit nalang ang mata ko. Even if I say why, you guys will still not understand it.
Ilang oras ang naging byahe namin bago kami makarating sa exact location. Pinapili ang bawat estudyante. Girls and boys bawat section. Ako ang nakapila sa pinakaunahan at nasa likod ko si Arriane.
"Attention students! You will first proceed to your rooms. Each room will consist of two people. Girls will stay in the right door while boys on the left. Understand?!"
"Yes!"
Ibinigay lang sa amin ay ang room number at room key. Magkasama kami ni Desiree sa isang kwarto. We all proceed to the rooms.
"Here it is. Room 314"
Pumasok na kaming dalawa ni Desiree sa loob ng kwarto. There are two beds in total. One on the left and one on the right. Ibinaba ko ang bag ko sa bakanteng kama at nilabas ang damit ko. I arranged it in the big closet bago dumiretso sa may banyo. Naghilamos lang ako ng mukha bago lumabas.
BINABASA MO ANG
Rule Number One
Teen FictionAnong gagawin mo kung malaman mo isang araw na ikakasal ka na pala? Ikakasal ka sa isang taong hindi mo minsan inisip na makakasama mo. Noong una, iniisip ko kung ano bang ginawa kong mali para mapunta sa sitwasyon na to. Pero wala akong nagawa kund...
