Kara's POV
Ilang oras na ang nakalipas ng makalabas kami sa detention. Ilang oras narin ang nakalipas mula ng makauwi kami.
Tinignan ko ang repleksyon ko sa salamin. Naka-sleeveless lang ako at shorts at kitang kita ang pasa sa may bandang likod ng balikat ko. Akala ko nung una mawawala na agad yung sakit nito. Pero nagkamali ako, it turn worst. Mas lalo siyang sumakit, nagba-violet na yung kulay ng balat ko at madali mo siyang mahahalata dahil maputi ako.
Umupo ako sa couch at napahilamos nalang sa mukha. How the hell can I heal this? Hindi naman ako marunong gumamot ng sugat. And plus the fact na may pasa din to. Hindi ko rin pwedeng sabihin kay Kent dahil paniguradong magwawala yun. Ewan ko ba sa lalaking yun, lately ang weird weird niya, kanina para siyang paranoid kung makapagtanong kung okay lang ako, may masakit ba sa akin. Hindi ko alam ang takbo ng isip niya. Anytime laging nagbabago ang expression niya, ang weird.
Napagdesisyunan kong lumabas ng kwarto. Patay na ang mga ilaw at paniguradong nagpapahinga na sila Manang. Well, 9 pm na kaya siguro.
Dahan dahan akong pumunta sa may counter ng kitchen at kumuha ng mga ice cubes sa yelo. Kumuha rin ako ng ice bag at pinatong sa may likod ng balikat ko.
"Fvck" daing ko ng mas lalo itong sumakit. Hindi rin ako makagalaw ng ayos dahil sa sakit ng balikat ko.
"What happened to you?" sabi ng isang boses kaya't napatalon ako sa pagkakaupo ko dito sa counter at napatingin sa nagsalita
"You scared the hell out of me" inis na banggit ko at tinaas ang kamay ko para hampasin siya ng biglang sumakit ang balikat ko, agad kong naibaba yung kamay ko at mahinang nagmura.
"May masakit ba sayo?" Nanlaki ang mata ko, fvck. Nakasleeveless lang ako, at nasa tabi ko si Kent. Tatayo na sana ako para hindi niya mapansin ang balikat ko pero wala na. Huli na. Nakatingin na siya dun at nakataas ang kilay.
"It doesn't hurt" pagmamaang-maangan ko at tatayo na sana pero hinawakan niya ako sa balikat causing me to yell out because of the pain.
"Fvck Kent! Ano bang problema mo?!" Mahinang sigaw ko sa kanya dahil baka magising sila manang.
"You said it doesn't hurt. Well you just react the opposite of it" bored na sagot niya at naupo sa tabi ko.
Kinuha niya ang ice bag na naibaba ko dahil sa gulat sa kanya at pinatong sa balikat ko.
"You should've told me Kara, nadala sana natin sa ospital" inis na sabi niya, napairap naman ako.
"Yeah. That's why, that's why I didn't told you. Because I know you will react like this" hinilamos ko ang kamay ko sa mukha ko "Matatanggal narin ang sakit nan bukas, it's not like it's the first time"
Naramdaman ko ang pagtigil niya dhil sa sinabi ko. At ng mag-sink in sa akin yon, napasapo ako sa noo ko. Great Kara. Just great.
"So this isn't the first time" iiling-iling na sabi niya "That Violet girl, she's related to you right? There's no way na makikipag-away ka nalang basta sa hindi mo kilala"

BINABASA MO ANG
Rule Number One
Ficção AdolescenteAnong gagawin mo kung malaman mo isang araw na ikakasal ka na pala? Ikakasal ka sa isang taong hindi mo minsan inisip na makakasama mo. Noong una, iniisip ko kung ano bang ginawa kong mali para mapunta sa sitwasyon na to. Pero wala akong nagawa kund...