"The most painful goodbyes are the ones that are never said and never explained"
________________________________________________________________
Arriane's POV
Nakatungo lang ako habang naghihintay dito sa may restaurant. Klein is already complaining beside me kung bakit kailangan pa daw naming sumama. He's right though. Sa pagkakaalam ko, business meeting to nila mommy, so why would we be here? Hindi naman kami kailangan sa ganito.
"Can I just skip this ate? Ikaw ng bahala na magpalusot sa akin. I really need to get oit of here" bulong niya sa akin
Sinamaan ko siya ng tingin. Aba't loko tong batang to ah. Idamay daw ba ako sa kalokohan niya?
"Pag hindi ka tumigil kakasatsat diyan, hindi ako magdadalwang isip na ibuhos tong tubig sayo" I gritted my teeth at inirapan siya
Akala ko dahil sa sinabi ko ay titigil na ang loko pero hindi pa pala. He started throwing tantrums to our parents.
"Mom! Bakit ba kasi kailangan pa naming sumama?! I have my plans today and I cancelled it just for this!"
He starts wiggling and all. Ang sarap niyang batukan sa totoo lang. For a 15 year old like him, hindi na bagay ang mag-inarte sa kanya. Kalalakeng tao, nag-iinarte parin. Jusmiyo.
"Don't throw tantrums at me John Klein, this is the first time I ask you a favor so just stay still okay? After this you can freely go again" my mom said, making him stop wiggling.
Walang nagawa si Klein kundi ang tumigil lang sa may tabi ko at bumuntong-hininga. I remember how I drag him kanina, halos ayaw ngang sumama sa akin at kailangan pa talagang hilahin papasok ng sasakyan. Just think of how childish is he and you'll punch him straight to the face because of it.
"Instead of doing nothing, why don't you two just go and buy these stuffs? Tutal naman mukhang kanina pa kayo inip na inip diyan"
Mom hand us a paper. It's a list. Agad na kinuha ni Klein yun at ngumiti ng nakakaloko.
"We'll be back by an hour mom! Thanks!"
He pulled me out of my sjt at hinila palabas ng resto. Dumiretso lang kami sa sasakyan nila mommy at pumasok.
"Kuya Zak, sa supermarket po." Sabi ko
Tahimik lang ako sa byahe, kahit na yung katabi ko ay mukhang excited na excited na. I don't know why but Klein always love markets. Hindi ko alam kung kailan nagsimula, but, everytime we go on one, he loves it. Really love it.
Pagmadating nimin sa market ay mabilis na bumaba si Klein, even leaving me behind. Natawa nalang kami ni Kuya Zak dahil sa ginawa niya.
"Ang tagal kong hindi nakita ang batang yan, pero hindi parin pala siya nagbabago" nakangiting sabi niya
"Oo nga po eh. Isang oras lang po kami tapos balik na po tayo sa resto" sagot ko bago bumaba ng sasakyan
BINABASA MO ANG
Rule Number One
Teen FictionAnong gagawin mo kung malaman mo isang araw na ikakasal ka na pala? Ikakasal ka sa isang taong hindi mo minsan inisip na makakasama mo. Noong una, iniisip ko kung ano bang ginawa kong mali para mapunta sa sitwasyon na to. Pero wala akong nagawa kund...
