"Its easier to say you're mad, than to admit you're hurt."
_______________________________________________________
Desiree's POV
I was with Casey in my bar when I heard my phone rang. I look at the caller and saw Kent's name. Sabado ngayon at katatapos lang ng festival. Pagkatapos kaming iwan ng dalawang to kagabi tatawag sila ngayon? Tsk. What a friend.
"Oh bakit?" Sagot ko sa tawag niya
[Can you guys come in our house? Emergency lang.]
"Why? May nangyari ba?" Tanong ko sa kanya dahilan para mapatingin sa gawi ko si Casey.
Narinig ko ang pagbuntong-hininga ni Kent sa kabilang linya. Anong problema ng lalaking to?
[Kara's sick. And hell. Hindi ko alam ang gagawin ko dito!]
Muntikan na akong mapatawa dahil sa mahina niyang pagsigaw. He really sound frustrated though. Sabagay, naranasan ko naring alagaan si Kara nung may sakit siya, and to tell you guys, hindi talaga madali. That girl is a hell when she's sick.
"Well be there at lunch" sagot ko bago ibaba ang tawag.
"Ano daw sabi?" Tanong ni Casey sa tabi ko. Kabubukas lang ng bar ko kaya naman kasama ko siya ngayon habang umiinom ng kape. Ewan ko ba sa babaeng to, wala atang ginagawa at palaging may free time.
"Kara's sick kaya pinapapunta tayo ni Kent dun. I really want to see his priceless face though."
"That would be epic Des." Yeah, that would be really epic
I looked at the time and it's already 10 in the morning. Kinuha ko agad ang bag ko bago tumayo. "I'll just see you at their house at lunch. May pupuntahan lang ako" paalam ko sa kanya
I saw her shook her head bago uminom ng kape. "Tsk. Pupuntahan mo lang yung boyfriend mo eh." Bulong niya pero rinig ko naman. Napailing narin lang ako, I told her and Arraine yesterday what happened to me and Bryle. Akala ko nga susugudin nila yung lalaking yun eh, pero ang mga loka, tinawanan lang ako at mga kinikilig pa. Maaasahan talaga sila kahit kailan.
Sumakay agad ako sa kotse ko at nagdrive papunta sa condo ni Bryle. That's right. I'm going to his condo right now. Kahit naman ilang beses kong ipagsigawan sa kanya na break na kami, hindi siya papayag. Wow. I still can't believe na nagkaroon ako ng boyfriend na walang ligawan na nangyari. The hell.
I parked my car when I reached my destination. Pabiro pa akong Nag-salute kay manong Guard na nakangiti sa akin. Siguro naalala niya ako.
Sumakay agad ako sa elevator at pinindot ang 11th floor. Mabilis din naman akong nakarating dun bago ko kinuha ang duplicate key ng condo niya na binigay niya lang sa akin kagabi. Hindi na ako nag-aksaya pa ng oras at binuksan ang pinto. Makalat. Yan ang una kong napansin. Ang kalat ng unit niya ngayon hindi tulad ng una kong punta dito. At dahil sa hindi ako nakakatagal sa makalat na lugar, isa-isa kong pinulot ang mga damit niyang nagkalat pati narin ang mga balat ng chichirya na nakakalat sa may sala. Napakakalat talaga ng lalaking to.
BINABASA MO ANG
Rule Number One
Подростковая литератураAnong gagawin mo kung malaman mo isang araw na ikakasal ka na pala? Ikakasal ka sa isang taong hindi mo minsan inisip na makakasama mo. Noong una, iniisip ko kung ano bang ginawa kong mali para mapunta sa sitwasyon na to. Pero wala akong nagawa kund...