Chapter 21 : Drunk

783 17 1
                                    


Kara's POV


"nan bureul jilleo
Simjangeul taewo
Neol michige hago sipeo
B.I.G Yea we bang like this modu da gachi
chong majeun geotcheoreom
BANG! BANG! BANG!"


I started humming at sumabay sa kanta. It's saturday. And saturday means rest day!


Hindi ko na maalala kung kailan ako huling nagpahinga. This past few weeks were really hard. Hindi mag-sink in sa utak ko lahat ng nangyari. It's too much information. Overload na ang utak ko.

Tumakbo ako papunta sa cr para sana kunin yung towel ko ng may makita akong creature sa may lapag na siyang dahilan para mapatalon ako sa takot.



"WAAHHHHHH!!!!!"


Dumulas ang paa ko at bumagsak ako sa sahig. Sheet! I-ipis! May ipis! Waahhhh! Ilayo niyo sa akin yan! Wahh! I hate ipis! I hate ipis!!


*BOOGSHH*


Napalingon ako ng biglang bumukas ng sobtang lakas ang pinto ng kwarto ko at niluwa si Travis. Napatayo tuloy ako at napatakbo sa kanya ng wala sa oras.


"Bakit? What's wrong? May pumasok ba dito? Is someone here? Did he do something to you?" He keeps on checking me na siyang ikinataas ng kilay ko. Anong nangyayari sa kanya?

"Anong problema mo?" Tanong ko sa kanya

Tumingin siya sa akin at nagtaas ng kilay.

"You were screaming? May nangyari ba sayo? Okay ka lang ba? Bakit ka sumisigaw?" He keeps on asking me na tipong kahit mga simpleng tanong niya lang ay nakakahilo na.


Pero napatigil ako ng may nag-sink in sa utak ko at nagtatatalon habang tinuturo yung sahig ng banyo ko.



"May ipis! May ipis Travis! Waahh! Ilayo mo sakin yan! Wahh!!!"


Nagtatatalon ako at sumampa-sampa sa likod niya. Wahh! Takot ako sa ipis! Takot ako sa ipis!

Nakita ko ang paghampas niya sa ulo niya at narinig ang mahina niyang pagmumura. Oh. Ano na namang problema nito?


Nilingon niya ako at nagulat ako ng bigla niyang pitikin ang noo ko.


"Do you actually know how worried I was? Halos sumubsob na ako sa hagdan kakatakbo dahil sa malakas mong sigaw! Akala ko kung ano ng nangyari sayo. Tapos anong dahilan? Dahil takot ka sa ano? SA IPIS?! SA IPIS?!"


Napabitaw ako dahil sa pagsigaw niya. Ano bang problema ng lalaking to?


"Bakit ka ba naninigaw?!" Sigaw ko din sa kanya. Seriously! Hindi ko siya magets! Hindi ko alam kung bakit nagagalit nalang siya bigla. Napakalaki ng problema ng lalaking to. Siguro pinaglihi talaga siya sa sama ng loob. Letse!

Minasahe niya ang sentido niya at pumikit pa. "Let's stop okay?" Sabi niya bago umalis ng kwarto ko habang iiling-iling. Bangasan ko siya eh.


Rule Number OneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon