Arraine's POV
Napahiga ako sa kama at nagtakip ng unan. Nakauwi na kami sa Pilipinas. May mahalaga daw kasing gagawin sa school kaya napaaga ang uwi namin. Wala naman kaming masyadong ginawa sa Hongkong, naglibot-libot lang kami tas nagswimming ng konti. Narinig kong bumukas ang pinto ng kwarto ko kaya agad akong napatingin dun.
"Ma'am Arraine, pinapababa po kayo ng mommy niyo"
Tumango ako bago tumayo at lumabas ng kwarto. Ano na naman to? Sesermonan na naman ba ako? Tch. Sanay na ako diyan. Bumaba ako ng hagdan. Nakita ko agad sila mommy sa sofa na may kausap na lalaki. Nakatalikod siya sa akin kaya hindi ko makita ang itsura niya.
"Oh. Here she is" nakangiting banggit ni mommy. Tss. Ganyan talaga yan pag may bisitang nakaharap. Pag wala naman, laging seryoso ang mukha.
Pagkababa ko ng hagdan, saktong tumayo yung lalaki. Sino ba to at parang ang saya saya ni mommy na makita siya huh? Nilingon ako nung lalaki. At ganun nalang ang panlalaki ng mata ko ng makita siya.
"K-klein!" Gulat na sigaw ko. Shock was written all over my face. Omygod. Totoo ba tong nakikita ko? Si Klein ba talaga to?! Kung panaginip man to, wag niyo na akong gisingin please.
"Ate!!" Sigaw din niya at tumakbo sa akin para yakapin ako. Napatalon pa ako sa gulat dahil sa lakas ng impact ng yakap niya.
Yes. Tama kayo ng basa, tinawag niya akong ate. John Klein Richards, my baby brother. I'm 3 years older than him. So 15 years old lang siya at freshman lang.
"K-kelan ka pa nakabalik?" Tanong ko matapos niya akong yakapin "Halos hindi na kita makilala. Ang laki ng pinagbago mo" sabi ko pa
For a 15 years old, matangkad talaga siya. Mas matangkad pa siya sa akin. Matipuno din ang katawan niya. I'm sure pagkakaguluhan yan ng mga babae. Iba talaga ang lahi namin tsk. Hahahaha.
"Kahapon lang, hindi muna ako umuwi dahil pagod ka daw at hindi ka makausap. Okay ka lang ba ate? Pinapabayaan ka ba nila?" Tanong niya at hinawakan pa ang noo ko. OA talaga nito. Palibhasa spoiled kay Mommy at Daddy eh. Kaya nakukuha lahat ng gusto niya.
"Bat nila ako papabayaan? Tch. OA ka talaga Klein. By the way, are you staying for good?" Tanong ko
Simula kasi 10 years old siya eh sa Korea na nagstay si Klein, ewan ko diyan bat gustong maging independent. Eh kung ako nga hindi magawa yun.
"Yeah. Nakapagtransfer na ako sa school niyo" sagot niya
Nanlaki naman ang mata ko "Hindi ba sobrang late ka na?" Tanong ko. Last month pa kasi nagsimula ang klase. Edi sobrang late na siya? Malapit na din ang prelims namin. Pano naman siya makakahabol?
"Don't worry ate, madaming laman tong utak ko. Wag mong igaya sayo na kahit ipiga mo na, wala na talagang laman" biro niya kaya hinampas ko siya ng malakas. Ang sweet talaga ng baby bro ko sakin. Langya.
"Oh siya. Iiwan na namin kayong dalawa, may overseas meeting kami, baka hindi tayo magkita ng isang linggo"
BINABASA MO ANG
Rule Number One
Teen FictionAnong gagawin mo kung malaman mo isang araw na ikakasal ka na pala? Ikakasal ka sa isang taong hindi mo minsan inisip na makakasama mo. Noong una, iniisip ko kung ano bang ginawa kong mali para mapunta sa sitwasyon na to. Pero wala akong nagawa kund...
