Chapter 61 : Achilles Heel

384 12 1
                                        


Vielle's POV


Isa isa kaming kinaladkad ng mga tauhan ni Parker papunta sa basement ng gusaling to at isa isa nila kaming tinali sa upuan.

Lumapit siya sa akin. He lift my chin up only to show his famous grin. Hindi ko mapigilang pag-initan ng ulo. Kung hindi lang ako nanghihina ngayon at kung hindi nila hawak ang mga kaibigan ko, matagal ko ng sinira ang mukha niya.


"Ang tibay mo rin ano? Akalain mong hanggang ngayon buhay ka parin?"

Ngumisi ako. "May dahilan kung bakit hindi pa ako namamatay Parker. Wag kang magmadali. Dadating din tayo diyan."

He smirked back. "I can't wait to see the great Vielle Allison die."

"I can't wait to drag you down with me too."

Nginitian ko siya ng nakakaloko at mukhang napikon siya dahil dun. Akala ba nila magpapatalo na ako dahil lang sa hawak nila ako sa leeg ngayon?

Matagal ko ng inihanda ang sarili ko para sa araw na to. Medyo late pa nga sila eh.

Bumalik muli ang ngisi sa labi ni Parker ng matapos niyang tumingin sa cellphone niya. Napataas ang kilay ko. Hindi maganda ang kutob ko.

Lumapit siya sa akin at hinawakan ang kaliwang pisngi ko.

"Looks like I can kill two birds with one stone today." He said.

Para bang nagkaroon ako ng kutob tungkol sa gusto niyang ipahiwatig. No. Hindi pwede. Mali ang iniisip ko.

No. Please no.

Napalingon ako kila Arriane. Tahimik lang silang nakayuko pero alam kong gising sila. If I can just send them away from here.

Muli kong tinitigan si Parker. Nakangisi siya at mukhang alam na niya ang naiisip ko.


"Let me go" malamig na sabi ko. "Ako lang ang kailangan niyo. Wag kayong mandamay ng iba."

"Hindi mo ba alam kung ilang beses na kaming naisahan ng boyfriend mo? Not once. Not twice. But many times." Ngumiti siya ng nakakaloko. "I think it's payback time, my dear Queen."

Mabilis kong iniiwas ang mukha ko sa kanya ng tangkain niya akong hawakan. I shot hin dagger looks na siyang ikinangisi na naman niya.

"Feisty, too bad, wala kang laban sa akin ngayon." He said. Eyeing me from head to toe.

"Hinding-hindi mo makukuha ang gusto mo. Kahit patayin mo man ako, sisiguraduhin kong hinding-hindi mo magagalaw si Travis. Not now! And not ever!"

Pakiramdam ko nawalan na ako ng control sa sarili ko. Nakita ko sa gilid ng mata ko na napaangat sila Arriane ng tingin, marahil nagulat sa biglang pagsigaw ko.

"Wo-oh! Aren't you going too strong my little dear?" Itinaas pa niya ang dalawang kamay bago ngumiti.


May dinukot siya sa likod ng pantalon niya. Baril. Tinapat niya sa sentido ko yun.

Sa tingin niya ba matatakot niya ako? This is not the first time na nakidnap ako. And this is not the first time na natapatan ako ng baril sa ulo ko. I will not be scared this time. Not this time. Not ever.

"I can guarantee you, this time, he will not come here like a crazy dog looking for his prey. He will not come here, like you're expecting. He will not fall for your traps this time either." Malamig na sabi ko.

Rule Number OneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon