Chapter 48 : Untitled

484 8 3
                                        


Vielle's POV


"Just Fucking tell me Allison!"


Napatakip ako sa tenga ko at napapikit para kontrolin ang kung ano mang galit na bigla nalang pumasok sa sistema ko.

I looked at Travis. Pinigilan ko ang sarili ko na sumabog sa galit dahil sa kanya. Tahimik akong nagpapahinga dito sa kwarto nang bigla nalang siyang pumasok at nagpupuputak diyan. Masama na nga ang gising ko, dumadagdag pa siya.


"Ano na naman bang pinuputak mo diyan ha? Daig mo pa ang babae kung makasigaw ka. Sabihin mo nga sa akin, maling gender ba ang pinakasalan ko?"

I was trying to make the mood better, but then, he seems to misunderstood it and I swear, the glint in his eyes was no joke.


"You. Stay. Away. From. That. Gray. Perez."


Sinamaan ko siya ng tingin. So this is the reason why he's suddenly throwing tantrums? Dahil na naman ba kay Gray? Pag-aawayan na naman ba namin siya? Simula ng bumalik ang alaala ko, wala na siyang ibang binilin sa akin kundi ang lumayo kay Gray at Louie. He seems protective at one side, but who am I kidding? He's just jealous. Paranoid is much better I think.


"Ano na naman bang gusto mo? He's not doing anything. Tigilan mo ko sa kakasermon mo dahil wala kang mapapala sa akin. Pagod ako Travis, wag kang magsimula." banta ko sa kanya.


Tumayo na ako sa pagkakaupo ko sa couch. It's just one week since Stefan left us. One week after his funeral. Wala pang nakakamove-on sa amin ni isa. Wala rin akong makausap sa tatlo dahil sa halos palagi silang lutang. I even heard that Bryle and Des had a fight, so was Casey and Ashton. At kung hindi titigil ang isang to, mukhang kami na ang susunod na mag-aaway.


"You don't turn your back at me woman."

Hinila niya ang braso ko at hinarap ako paharap sa kanya. I glared at him at sinubukang hilahin pabalik ang braso ko, but he's too strong for me. This Devil.

"Pagod ako, kaya tigilan mo ako."

"Oh no you're not. You're not leaving this place without agreeing that you will stay away from that Gray Perez."

"Ano bang kinagagalit mo diyan ha?" I confronted him. Malakas kong tinanggal ang pagkakahawak ng braso niya sa akin at sinamaan siya ng tingin. "If you're just jealous, you can just say it. You hate him right? Well he hates you too. At ngayon, sobra na akong naiinis dahil naiipit ako sa inyong dalawa. Why don't you two try to get along huh? Tutal, parehas naman kayo ng ugali."

Nilampasan ko siya at palabas na sana ng pinto nang bigla siyang magsalita.

"I'm just trying to protect you. You can't just go wandering to a certain place. You know they are still after your life, you shouldn't be brave like this."

Napangisi ako at nilingon siya. "If you're trying to protect me, then stop acting like this. Hindi mo gugustuhin pag napuno ako, Nathan. Alam mo lahat ng posible kong gawin pag nagkataon." Napabungisngis ako bigla. "And if I'm not this brave like you've just said, do you think I will still be alive like this? Nagpapakatapang ako hindi dahil gusto ko, kundi dahil kailangan ko."

Lumabas na ako at tuluyan siyang iniwan dun. I picked up my car keys and phone before going to the garage. I need to unwind right now.

I drove for about thirty minutes, before finally stopping in front of a tall building.

Rule Number OneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon