Vielle's POV
Nabitawan ko ang hawak kong cellphone. Gusto kong magwala. Gusto kong sumigaw. The line was cut. Matapos kong marinig ang malakas na busina ng isang sasakyan at ang malakas na tunog ay naputol na ang tawag. I want to curse out of frustration. Huli na ako. Nahuli na ako.
I drove as fast as I can para mapuntahan ang road kung saan dumaan sila Arriane. I look all over the road pero wala akong makitang ni anino ng kotse nila.
Then my gaze suddenly turn to the side mirror of my car. Napahigpit ang hawak ko sa manibela ng makita ang isang itim na sasakyan na mabilis na nakasunod sa akin.
Letse talaga. Ngayon pa sila dumating.
Mas pinabilis ko pa ang pagpapatakbo sa kotse ko. Inabot ko ang cellphone ko at dinial ang number ni Alexander.
"What do you want now?"
"Track Arriane. She's in danger now Alexander. Find her and Stefan as fast as you can. Tawagan mo ako pag nahanap mo na sila."
"Why? Wait. Nasa kotse ka ba?! Bakit ang ingay diyan?! Where the he---"
Hindi ko na siya pinatapos pang magsalita. I disconnected the call and dialled Travis' number next.
"Where the hell are you?! Tumawag ako sa bahay at wala ka daw dun. It's already nine in the evening for Pete's sake Allison!" Iyon agad ang unang bumungad sa akin. Napatingin ako sa may side mirror at mas lalong bumilis ang sumusunod na sasakyan sa akin. I turned my car suddenly dahilan para magkiskisan ang mga gulong ng sasakyan ko.
"Wait. Are you driving?! Ano yang narinig ko?! Where the hell are you Vielle Allison?!"
Pagkalikong-pagkaliko ng kotse ko ay pinaandar ko to ng mabilis. Nagawa kong lagpasan yung kotse pero nakita ko rin tong agad na lumiko para masundan ako. Shit talaga!
"Track me right now." Sinabi ko sa kanya habang nakatuon ang atensyon ko sa may daan. "Someone's following me." That's the last thing I said before disconneting the call. I drove as fast as I can. Walang masyadong dumadaan na sasakyan dito which gave me advantage and disadvantage at the same time. Advantage for me dahil walang haharang sa daan ko. At disadvantage dahil malayang magagawa ng sumusunod sa akin ang balak niya.
"Fuck." I cussed nang makakita ako ng headlights sa unahan ko at isang itim na kotse ang mabilis na umaandar papunta sa mismong direksyon ko.
Nang makita kong malapit na itong bununggo sa kotse ko ay agad kong niliko ang kotse ko dahilan para dumiretso ito sa may punong malapit sa akin.
Napahawak ako ng mahigpit sa manibela ng bumangga ang kotse ko sa puno. Naramdaman kong may lumabas na dugo sa noo ko at ang pagkirot nito pero hindi ko inabala yun.
Kinuha ko ang bag ko at lumabas ng kotse. Agad akong nagtago sa may likod ng puno. I hid behind the bushes habang habol habol ang hininga ko. I think I just broke my arms.
"Kara Alcantara. Where are you missy?"
Kinilabutan ako nang marinig ang boses niya. That Asshole! Siya lang pala ang humahabol sa akin.
Lumabas ako sa pagkakatago ko sa likod ng halamanan and a pair of pure black eyes greeted me. His gray hair is being blown by the wind, a smirk suddenly formed in his lips. But it vanished when he saw the blood dropping from my head. I saw concern in his eyes but he immediately blinked it away.
BINABASA MO ANG
Rule Number One
Teen FictionAnong gagawin mo kung malaman mo isang araw na ikakasal ka na pala? Ikakasal ka sa isang taong hindi mo minsan inisip na makakasama mo. Noong una, iniisip ko kung ano bang ginawa kong mali para mapunta sa sitwasyon na to. Pero wala akong nagawa kund...
