Chapter 59 : Finally Captured

400 13 0
                                    


Vielle's POV


Napapikit nalang ako nang maramdaman ko ang pagdamba sa akin ng hindi lang isa, hindi dalawa kundi tatlong katawan. Agad ko silang narinig na sabay sabay na tumawa habang mahigpit na yakap yakap ako.


"Cant breathe.."

Sinubukan kong tanggalin ang pagkakayakap sa akin nila Arriane pero kahit anong lakas ko ay hindi sila natitinag. God. This girls have gotten worse.

"We missed you!" Sabay sabay na sigaw nilang tatlo.

"Bakit kasi may paglalayas ka pang nalalaman. Bruha ka talaga." Mahina niya akong binatukan at muling tumawa bago sila bumitaw sa aking tatlo.

"So? Anong balita? May nangyari ba nung wala kami?" Tanong ni Casey. Inirapan ko sila at umiling. "Walang nangyari." Sabi ko dahil totoo namang walang nangyari.

"Ashuu.. Kung alam ko lang, may nililihim ka sa amin. Isa kang taksil!" At nagtawanan na naman sila. Hindi ko mapigilang mapailing habang tinitignan silang tumawa ng malakas. They really have gotten worse.

"Bakit niyo ba ako pinapunta dito?" May pagkairita kong tanong sa kanilang tatlo.

Ngumuso si Arriane sa direksyon ko at sumimangot. "Bakit? Hindi mo ba kami namiss? Nakakasakit ka na talaga ha!"

"Oo nga! Pagkatapos ka naming alagaan nung may sakit ka, pakainin nung wala kang gana. Ganito igaganti mo sa amin?!" Sigaw ni Desiree.

Sinamaan ko siya ng tingin kaya naman nag-V sign siya at ngumiti sa akin. "Just kidding, hindi ka na mabiro."


Wala na akong nagawa kundi ang umirap. Nag-aya sila na mag-mall kaya naman sumama na ako. Ano pa bang magagawa ko? Siguradong kahit anong tanggi ko ay isasama nila ako sa mall by hook or by crook.


"Oemgeee!! Ang tagal kong hindi nakapunta dito." Ngumiti ng malawak si Casey na kulang nalang ay magtatatalon sa sobrang tuwa. Napailing nalang ako at tumingin ng diretso sa daan.

"Let's eat first, tapos mag-gala na tayo."

Sinunod namin ang sinabi ni Arriane. We went to a restaurant at hindi ko alam kung anong pumasok sa mga utak nila at sobrang dami nilang inorder. Tinitigan ko ang mesa naming punong-puno ng pagkain. Apat lang kami pero kung titignan mo ang mga pagkain ay pang-sampung tao ito.

"Sabihin niyo nga sa akin ang totoo. Hindi ba kayo pinapakain nila Alex?" Seryoso kong tanong. This girls. Ano na naman kayang nakain ng mga to?

"Ano ka ba! Wag ka ngang echos. Namiss ka lang talaga namin at gusto naming kumain ng madami." Yun lang ang sinagot nila at nagsimula na silang lumamon.

Napapailing nalang ako habang kumakain ng pizza at tinititigan sila.

"Ahh. Sarap." Napasandal si Des sa upuan niya at uminom ng tubig. Halos manlaki ang mata ko habang nakatingin sa kanilang tatlo. My gulay. Sabihin niyong niloloko lang ako ng mga mata ko.


Sabihin niyong hindi talaga nila naubos ang ganun kadaming pagkain.


"Ano tara na? Let's hit the stores." Bago pa ako makaangal ay nahila na ako nila Arriane palabas ng restaurant pagkatapos naming magbayad.

Una naming pinasukan ang unang boutique na nakita namin. Kung san-san sila nagsuot para kumuha ng dress kaya nanatili lang ako sa isang sulok. Wala akong balak na mag-shopping ngayon dahil sa dami ng damit na binili ko noong makabalik ako dito.

Rule Number OneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon