Kara's POV
2 weeks later...
Nagpahila lang ako kay Casey at Desiree sa kung saan. Hindi ko talaga alam kung saan kami pupunta. Nagulat nalang ako kanina na nasa bahay na pala sila at nag-aabang sa akin. Mga loka loka talaga tong mga to.
Napatingin ako sa buong campus. Miss Salvador announced the results from the festival yesterday. And too bad, we lost. Mabigat daw talaga ang labanan at halos lahat magkakapantay. May lumamang lang ng konti kaya sila ang nanalo at hindi kami. Syempre, most of us were disappointed. But lets just accept it. Nangyari na eh. Alangan namang pilitin namin silang ipanalo kami diba?
"San ba kasi tayo pupunta?" Iritang tanong ko sa kanila. Intramurals ngayon kaya naman naka-freestyle lang kami. At dahil kanina pa kami palakad-lakad, sumasakit na ng sobra ang paa ko dahil naka-heels pa ako.
"Kalma ka lang gurl, malapit na tayo dun." Napansin kong papunta kami sa gym. Bakit dito? Akala ko sa field kami pupunta dahil nagsisimula na ang laban.
Hinila ulit nila ako at tama nga, sa gym talaga kami pupunta. Pagkapasok na pagkapasok namin sa loob ay walang katao-tao maliban sa Varsity ng school. Nakita ko sa malayo si Arriane kasama nila Alex. Nakita ko rin si Travis dun na kumaway sa akin kaya naman sinimangutan ko siya. Walangya siya. Iniwan niya ako kanina.
"What's with the look?" Tanong ni Arraine sa akin nang maupo ako sa may tabi niya.
Lumapit sakin si Travis at naupo sa tabi ko. Pinakilala sa amin ni Alex ang members ng Varsity kaya naman nginitian ko sila. I didn't know that Vixel was part of varsity.
"Nasan si Klein?" Rinig kong tanong ni Desiree. Nililibot niya ang paningin niya sa buong gym, dun ko lang din napansin na wala nga si Klein. Where is that boy?
"Ah. Kasama nung girlfriend niya. Nasa may club sila." Sabi ni Ashton. Natawa ako nang ginamit niya yung word na "girlfriend" sa sentence niya. This guy.
"Travis," I called him. Nilingon niya ako "Hmm?" He asked. I pouted my lips at him "Jacket." Sabi ko. Nilalamig na talaga ako.
Nakita ko siyang napangiti ng saglit bago tumayo para kunin ang bag niya. Sinuot niya muna sa akin yung jacket niya bago maupo ulit sa tabi ko.
"What happened to your feet?" Tanong nito nang mapansin ang paa ko. Napakagat ako sa labi ko ng hawakan niya yun at tanggalin ang heels ko. Ouch.
"Don't worry. Mawawala rin yan mamaya," sabi ko nalang pero hindi siya nakinig at may kinuha na naman sa bag niya. Nanlaki ang mata ko nang makita ang box ng sapatos na kinuha niya sa bag niya.
"This is supposed to be a surprise pero mukhang magagamit mo na ngayon. Bakit kasi ang pasaway mo eh." Iiling-iling pa siya habang binubuksan ang box. Tinanggal na niya ng tuluyan ang heels ko at bago isuot sa akin yung sapatos ay nilagyan niya yung paa ko ng band aid na hindi ko alam kung san niya kinuha.
"Bakit nandito kayo?" Tanong ko sa kanya. Naglalaro na ang mga varsity at siya nalang ang nakaupo dito sa may bleachers.
"Ah. We have a game coming up after the intramurals. Kaya naman nagpa-practice game na kami." Sagot nito sa akin.
BINABASA MO ANG
Rule Number One
Подростковая литератураAnong gagawin mo kung malaman mo isang araw na ikakasal ka na pala? Ikakasal ka sa isang taong hindi mo minsan inisip na makakasama mo. Noong una, iniisip ko kung ano bang ginawa kong mali para mapunta sa sitwasyon na to. Pero wala akong nagawa kund...
