Chapter 30 : Instant Boyfriend

676 14 0
                                    


"It's hard to resist a bad boy who's a good man."

_______________________________________________________


Kara's POV


Napa-unat ako ng kamay habang naglalakad sa may campus. Umagang-umaga palang pero sobrang iingay na ng mga tao dahil ngayon ang simula ng festival.

It's been one week since Travis saved me. Although marami akong namiss na klase, tinulungan naman nila ako para makahabol. Minadali narin namin ang pag-aasikaso sa club naminn and thankfully, natapos namin sa oras.


"Kara!!"


Nilingon ko ang tumawag sa akin at nakitang tumatakbo si Ashton sa direksyon ko habang kumakaway. Ang jolly niya ngayon. I waved back at him at muntikan na kaming sumubsob ng bigla niya akong dambahan ng yakap.



"Oy! Bitaw nga!" Hinampas-hampas ko siya ng mahina at bumitaw naman siya habang naka-peace sign.

"Nakakatakot ka pala talaga."

"Ano kamo?"

"Huh? A-ah. Wala. Tara na, hinihintay na tayo nila Arraine dun sa club, tyaka, baka may nagwawala nang dragon dun."


Wala na akong nagawa ng hilahin na niya ako paalis. Dumiretso kami sa malawak na field na ngayon ay punong-puno na ng mga nakatayong club. Any minute now, magsisimula na ang festival at mag-oopen na oficially ang mga clubs.

Pagkadating namin sa club ay mukha agad nila Arraine ang nakita ko. Nag-aayos sila ni Casey ng mga listahan habag si Des ay kausap ang isang classmate namin. Si Bryle at Alex naman, nakatambay sa labas at inaayos yung sign board pati narin yung pangalan ng club.


Naramdaman ko namang sumiksik sa likod ko si Ashton. Ano na namang problema ng mokong na to?


"Anong problema mo?" Tanong ko sa kanya. Imbes na sagutin ako, tinuro niya ang nasa harapan namin kaya naman tinignan ko yun. And what I saw almost made me burst in laughter. Pano ba naman. Mukha ni Travis ang nakita ko at sobrang pula na ng tenga niya to the point na parang ketsup na. Tapos ang sama pa ng tingin niya kay Ashton na akala mo isa siyang leon na kakainin ang kahit na sinong makita niya.


I forgot to mention it, hindi pa pala nakakaganti si Travis sa mokomg na to dahil sa pagsigaw niya sa parking lot nun. Kaya ayan, todo ang tago akala ko naman may pagtataguan siya.

I saw him extend his hand mentioning me to come closer so I did. Iniwan ko dun si Ashton at lumapit kay Travis kaya ayun, tumakbo siya kila Alex ng wala sa oras. Scaredy cat. Haha.



"Don't scare him. Maawa ka na naman sa kanya, isang linggo ng nagtatago sayo yan." Bulong ko sa kanya. Hindi niya ako sinagot, sa halip, hinapit niya ang bewang ko at mas nilapit ako sa kanya.

"What? I'm not doing anything. Kung may gagawin ako dun, matagal ko ng ginawa." He innocently answer. Innocently? Tsk. Hindi bagay sa kanya.

"Hoy lovebirds, mamaya na kayo maglabing-labing diyan. Halika muna dito Kara."

Rule Number OneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon