Vielle's POV
Pagkababang-pagkababa ko palang sa kotse ko ay samu't saring bulungan na ang narinig ko. I can see people with surprised look while others just stare at me as if they were really expecting me to come.
I ignore all their stares and whispers and walk past them like a queen. Taas noo akong naglakad sa may school grounds at hindi pinapansin ang mga pagbubulungan nila. I know I'm such a hot topic right now. Sino bang hindi mabibigla sa pagdating ko? For the past one month, napakaraming nangyari. Naaksidente ako sa out of town trip namin, lumipad kami papunta sa New York, nakidnap kami and I got into an accident again. And for the second time, I'm on a comatose for two weeks. Now tell me, sinong hindi mabibigla kung makikita nila akong naglalakad sa hallway na parang walang nangyari?
News flash students. The Queen is back.
Napatigil ako sa paglalakad at napatingin sa babaeng nakatayo malapit sa main building. She smiled at me, her blonde hair is in a messy bun and she's waving at me.
"OMG. The bitch is back! Welcome back bitch!" Sinalubong ako ng isang mahigpit na yakap ni Janina. Ginantihan ko rin ang yakap niya at nang kumalas ako ay sinamaan ko siya ng tingin.
"Actually, it's 'The Queen is back' Jana." I said, quoting on the word 'The Queen is back'.
"What's with you? Bakit parang ang saya saya mo ata?" Nagtatakang tanong ko sa kanya.
"Huh? Masaya lang talaga ako ano ka ba." Hinila na niya ako papasok sa building. Tulad kanina, sari't saring bulungan ang narinig namin. Hindi ko nalang sila pinagtuunan ng pansin dahil alam kong maiirita lang ako.
Nang makapasok kami sa room ay ganun din ang naging reaksyon ng mga kaklase namin. Kinamusta lang nila ako at kung ano ano pa. Just as I expected, sariwa pa ang balita sa utak nila.
"Oh. Look who's back." Ngumisi si Arriane sa akin at binigyan ako ng isang mahigpit na yakap. Wala pa si Desiree at Casey. Mukhang late na naman sila. Hindi na nagbago.
Lumipas ang oras at unti-unting nagsidatingan ang lahat. Sunod-sunod na dumating sila Alex at kinamusta agad nila ako. Being the overprotective guys, they showered me with complaints. Like what should I do, and what should I not. Tsk.
Pinakuhuling dumating si Travis at kasunod niya si Casey at Desiree. Ginulo niya lang ang buhok ko habang ang dalawang kaibigan ko ay agad akong kinamusta.
"And by the way friend, I think you're doomed." Komento ni Desiree kaya agad na kumunot ang noo ko. Bago pa ako makapagtanong ay pumasok na si Ms. Salvador.
She was relieved that we're back and asked as if we're alright bago siya nagdiscuss.
"Okay class. I won't ask how was your vacation cause I know you enjoyed it very much," ngumiti siya sa amin. "The classes will start next week so you can all relax for the meantime."
Madaming nagdiwang at nagtatatalon pa sa mga upuan nila. Talking about being OA, sila yun. Tsk.
"But... I have an announcement to make." Natahimik ang lahat dahil sa sinabi niya. "I believe na natanggap niyo lahat ang invitation na ipinamigay namin. So, are you all excited for the ball tomorrow?" Nakangiting wika niya.
Ang kaninang tahimik na klase ay nag-ingay. May mga nagbatuhan ng papel at notebook, ang iba ay nagdidiwang at nagsisisigaw. I was the only one who's speechless. Ball? Invitation? How come I don't know about those things?! Kung may natanggap man akong invitation ay sigurado akong makukuha ko yun o ibibigay sa akin nila Mommy yun pero wala naman. What the hell?
BINABASA MO ANG
Rule Number One
Teen FictionAnong gagawin mo kung malaman mo isang araw na ikakasal ka na pala? Ikakasal ka sa isang taong hindi mo minsan inisip na makakasama mo. Noong una, iniisip ko kung ano bang ginawa kong mali para mapunta sa sitwasyon na to. Pero wala akong nagawa kund...
