Dedicated sa bestfriend ko. liannextimple . Niee, eto na yung hinihiling mo oh. Labyu. Anyways readahs, open for dedication po ^_^.
______________________________________________________________
Arraine's POV
"Sigurado ka bang kaya mo ng pumasok? I can take you home, sabihin mo lang"
Kasabay kong pumasok ngayon si Kent at si Kara. Nakalabas na siya ng ospital, nung makita nga naming gising na siya talagang niyakap namin siya ng mahigpit. Sobra kasi kaming nag-alala sa kanya.
"For the ninth time, I'm fine okay?" Tinanggal niya ang pagkakaakbay sa kanya ni Kent at naunang maglakad kaya sinundan lang namin siya ng tingin.
"Anong nangyari dun? Nag-away kayo?" Tanong ko
Ngumisi siya at tyaka nag-kibit balikat "Nagseselos" sagot niya at agad na sinundan si Kara habang nagwe-wave sa akin. Tss. Hindi na talaga nagbago ang dalawang yun. Atyaka ano daw? Nagseselos daw si Kara? Wow! This is the first time na nagselos siya kung totoo man yun.
Umiiling akong naglakad at dumiretso sa classroom namin. As usual, maingay parin. Hindi na naman bago yan eh. Kaya nga minsan naiisip ko, school pa ba tong pinupuntahan ko o palengke. Andami kasinh seafoods eh. May isda, may pusit at higit sa lahag, madaming hipon.
Pagkapasok ko sa room ay dumiretso agad ako sa upuan. Wala pa si Casey, mukhang malelate na naman. Si Des naman tulog lang dun sa upuan niya. Si Kara, ayun. As usual, naka-poker face ang gaga. Mukhang maniniwala na talaga ako sa sinasabi ni Kent na nagseselos to. Ang tanong, kanino naman kaya diba?
Tumingin lang ako sa unahan, but I can feel someone staring at me behind my back. I just sighed. Hanggang ngayon hindi parin kami ayos. Hindi naman sa ayaw kong makipagbati, talagang nainis lang ako sa kanya. Lalo na ng hilahin niya ako at nag-sorry sa akin nun sa rooftop, dun na talaga ako sumabog. Nakakainis na nakakagalit lang.
"Sisigaw-sigawan mo tapos ngayon iisipin mo? May nalalaman ka pang 'I trust you the most in this world' etc. Etc. Tss, you sure are crazy Arraine Denise Richards"
Nilingon ko si Kara bago samaan ng tingin. Akala niya ba porket kalalabas niya lang ng ospital hindi ko na siya papatulan? Putakte.
Hindi nalang ako nagsalita at umirap nalang. Dumating na naman din si Casey at kasabay niyang dumating si Ms. Salvador.
"Okay Class, I don't want to waste any time. You have your new classmate. So, hija, please come in and introduce yourself"
May pumasok na babae. Tama lang ang tangkad niya, she has a fair skin and a wavy blonde hair. Maganda siya, pero mas maganda ako sa kanya.
"What is that bitch doing here?" Rinig kong sinabi ni Kara sa tabi ko.
Napalingon ako sa kanya "Do you know her?" I asked
Tinaasan niya lang ako ng kilay "Don't tell me you don't? Damn" she hissed and just focus her attention on the girl standing in front.
BINABASA MO ANG
Rule Number One
Teen FictionAnong gagawin mo kung malaman mo isang araw na ikakasal ka na pala? Ikakasal ka sa isang taong hindi mo minsan inisip na makakasama mo. Noong una, iniisip ko kung ano bang ginawa kong mali para mapunta sa sitwasyon na to. Pero wala akong nagawa kund...
