Vielle's POV
Napamulat ako ng mata nang maramdaman ko ang pagsipa ng kung sino sa paa ko. Ibinaling ko dun ang tingin ko at nakita ang nag-aalalang mukha ni Arriane. Nang ilibot ko ang tingin ko ay ibang kwarto ang nakita ko, iba sa kwartong pinagdalhan sa akin ni Parker noon.
"Asan tayo?" I coughed. Pakiramdam ko nanghihina ang buong sistema ko. Nakatali parin kami pero ngayon, isang kamay nalang. Medyo malayo sa akin sila Desiree. Unlike mine, ang paa nila ang nakatali.
"We were moved. Hindi ko alam kung nasan tayo pero wala na tayo sa lumang building na yun." Yun lang ang sinabi niya. Napayukom ako sa kamao ko dahil sa galit. Ang tutuso nila. Nilipat nila kami sa lugar na walang nakakaalam dahil alam nilang pupuntahan nila Travis ang lugar na yun.
"Are you okay? May masakit ba sayo? Gosh pinag-alala mo kami! Hindi mo alam kung gaano kami nag-alala sayo!" Halata ang pagkainis at pag-aalala sa boses niya kaya naman nginitian ko nalang siya ng matamlay para kahit papaano ay gumaan ang pakiramdam niya.
"What happend? Anong nangyari habang wala akong malay?" Tanong ko sa kanya.
"You're three days asleep Vielle! Akala namin patay ka na for Pete's sake!" Bualslas niya na nagpalaki ng mata ko. Three days? What the heck?
"I don't know what they are doing. Pero sa loob ng tatlong araw---"
Hindi na niya natuloy pa ang sasabihin niya nang bumukas ang pinto ng kwarto at pumasok ang isang armadong lalaki. Lumapit siya sa akin at tinurukan ako gamit ang syringe na dala dala niya. Pakiramdam ko nanghina na naman ang sistema ko dahil dun. Para bang hinuhugot lahat ng lakas ko.
"Ano ba sa tingin niyo ang ginagawa niyo?! Maawa na kayo sa kanya! Papatayin niyo ba siya?!" Sigaw ni Arriane at nagpupumilit lumapit sa akin. Inilingan ko siya na parang sinasabi na ayos lang ako dahil nagsisimula na siyang umiyak.
Lumabas agad yung lalaki pagkatapos akong turukan. Nagising sila Des dahil sa ingay at nanlaki ang mata nila ng makitang gising na ako.
"Are you okay?" Agad na tanong ni Des sa akin. Tumango lang ako bilang sagot sa kanya.
Hindi pwedeng magpakahina ako ngayon. Kailangan kong magpakatatag para sa apat na taong to. Dahil kung magiging mahina ako, we'll all end up dead.
**
Janina's POV
Matamlay akong pumasok sa unit ko. Sumasakit na ang ulo ko sa lahat ng nangyayari. Una, nawawala sila Vielle. Pangalawa, hindi ko macontact si Kuya Zest. At pangatlo, nawawala si Kuya Louie at Kuya Gray.
Hindi ko na alam kung anong uunahin ko sa lahat. At kahapon, nakahanap na naman ako ng bagong problema. Ugh.
"Bakit ngayon ka lang umuwi?"
Napaangat ang tingin ko at nagulat nang makita sila Kent sa sala. Nandun silang apat nila Alex at base sa mukha nila, mukhang kanina pa sila naghihintay.
"Any leads?" Tanong ko sa kanya. Umiling ito. Halata ang frustration sa mukha niya. Ang lalim narin ng eyebags niya at gulo-gulo pa ang buhok. Halatang walang tulog ang ni isa sa amin.
"We checked everywhere. Una naming pinuntahan ang old building pero wala sila doon. They must have thought that I would check that place first kaya agad silang umalis dun." Sabi niya.
BINABASA MO ANG
Rule Number One
Teen FictionAnong gagawin mo kung malaman mo isang araw na ikakasal ka na pala? Ikakasal ka sa isang taong hindi mo minsan inisip na makakasama mo. Noong una, iniisip ko kung ano bang ginawa kong mali para mapunta sa sitwasyon na to. Pero wala akong nagawa kund...