Chapter 3 : Late Gift

1.6K 43 2
                                    


Kara's POV


"Let's go home, it's almost 7 pm, baka naghihintay na sila Daddy satin"


I made a face bago inumin yung tubig na hawak ko. Gahd! Ang sakit na ng paa ko, pano ba naman, nung sinabi kong gusto kong maglibot, tinotoo niya. Libutin daw ba namin yung buong mall, kainis talaga!


"Tara na nga. Tutal naman, wala na akong ganang bumili ng kung ano-ano" nagsimula na akong maglakad ng biglang may humawak sa balikat ko. Paglingon ko, si Kent lang pala "Bakit na naman? Don't tell me gusto mo pang maglibot. Huh! I'm out of it!" Agad kong tanggi.



Umiling siya at inabot sa akin yung phone niya. Anong gagawin ko sa iphone niya? Ibebenta? Nako! Malaki-laking halaga din to!


"Don't overthink Babe. Mauna ka na sa parking lot, hintayin mo si Manong Zik don dahil nagpasundo ako, may pupuntahan lang ako. Hintayin niyo nalang ako dun ha. Sandali lang ako"



Hindi na niya ako hinayaang sumagot dahil bigla nalang siyang umalis. Leaving md behind. Bastos!

Napairap nalang ako at padabog na naglakad. Nakadating na ako sa parking lot pero hindi ko naman alam kung nasaan si Manong Zik.

Naramdaman kong may kung anong nagvibrate sa bag ko. Hawak ko ang phone ko kaya imposiblemg sa akin yun. Ah! Tama!


Agad kong kinuha yung phone ni Travis at tinignan kung sinong nagtext.

[Ihjo, nandito na po ako malapit sa flower shop]

So this is why he gave me his phone huh. Naglakad na ako papunta sa flower shop na nandito.

Gumaan ang pakiramdam ko ng makita ko si Manong Zik na naghihintay sa labas ng sasakyan.


"Oh, ihja! Bakit ikaw lang? Nasan si Kent?"

"Ah, may pinuntahan lang po, hintayin nalang daw po natin siya dito"


Tumango-tango naman siya at pinagbuksan na ako ng pinto. Agad naman akong pumasok dahil una, sobrang sakit na ng paa ko. Pangalawa, sobrang init sa labas.

Nagcross-arms lang ako habang naghihintay sa kanya. San na naman kaya pumunta yung lalaking yun? Nambababae na naman siguro. Lintek talaga! Hindi na nagbago ang hudas!



Sumandal nalang ako sa upuan at nagkabit ng earphones bago pumikit. Sobra na akong naboboring. Ang tagal naman kasi niya eh! Ganun ba kalayo ang pinuntahan niya?! Damn him!

Natigil ang pag-iisip ko ng maramdaman kong bumukas ang pintuan at may umupo sa tabi ko.


"Ang bilis ng sandali mo ah" sarcastic na sabi ko

"Sorry, hindi ko kasi nahanap agad"

Nagmulat ako ng mata at tinignan siya "San ka ba nagpunta?" Tanong ko

"Wag ka nalang magtanong. I know you're tired, just sleep"


Napatingin ako sa bintana, hindi ko napansin na umaandar na pala yung sasakyan.

Rule Number OneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon