Chapter 35 : Someday

563 12 0
                                        


______________________________________________________


Kara's POV


Busy ang lahat ng staffs ngayon dahil nagsisimula na ang tryout for intrams. Nakatunganga lang ako dito sa classroom dahil wala kaming prof na dadating at nag-iingay lang ang halos lahat ng kaklase ko. At sa pangunguna ni Desiree at Casey. Those two, kelan ba sila tatahimik? Isang linggo na silang ganyan.

Mabilis dumaan ang araw at monday na ulit ngayon. Hindi ko manlang napansin na isang linggo ko na palang hindi nakikita si Travis. How I miss him so much. Nakakainis siya, akala ko ba isang linggo lang siyang mawawala? Dapat nakabalik na siya kahapon pero hanggang ngayon wala parin siya. Kaasar.


"Kung naaasar ka, ano pa kaya ako? Wag kang bumusangot diyan, mas lalo akong nababadtrip."


Inirapan ako ni Arraine na katabi ko lang at umubob sa table niya. Pano, isang linggo ba naman siyang hindi kinontact ni Alex. Isang linggo ding hindi sinasagot ang tawag niya. I bet she already erupted. Seeing her not bothering to call my stupid cousin anymore, means she already gave up. Paniguradong mag-aaway  na naman sila pag nagpakita na ang mokong na yun.


Napatingin ako sa may gawing likuran ko. Nakita kong nakatingin sa akin si Vixel at Violet. Hindi ko nalang sila pinansin at initinuon sa unahan ang atensyon ko. They keep pestering me and it's getting annoying and annoying. Nakakainis. Hindi ba nila ako patatahimikin? Asar talaga.



"Where's Ashton by the way?" Tanong ko nalang. Napansin ko kasing kanina pa siya wala sa room. Tanging si Bryle lang ang nakikita ko.

"Ah. Nasa club niya. I heard busy sila ngayon kaya naman wala siya rito"

"Club? What club?" I asked. Hindi ko alam na may kinabibilangang club pala ang mokong na yun.

"Photography club. Don't worry. Kelan ko lang rin nalaman. Bukod pala sa basketball ay may iba din siyang pinagkakaabalahan. He's with Klein right now I think. Pareho naman sila ng club."


Bigla ko namang naalala si Destiny ng mabanggit ni Arraine si Klein. I wonder kung okay na sila ngayon. The last time I saw Destiny, she has a blonde hair. Pero nakita ko siya kanina at nagulat nalang ng makitang itim na ang buhok niya. Nakasalamin din siya at mukhang busy sa ginagawa niya.


"This weeks is gonna be hell for photography club. I heard na nag-aassign na ng task sa kanila. Klein actually got the hardest. Siya ang kailangan kumuha ng mga litrato for the intrams, while yung ibang members ay mga groups at players lang ang kailangan asikasuhin."


Napatingin ako sa kanya dahil sa binanggit niya. I remember that Destiny was assigned the same task too. Ibig sabihin, magkasama sila sa intrams dahil pareho sila ng trabaho. Wow. Awkward.


"What did he said?"


Napairap si Arraine sa tanong ko "As usual, he throw tantrums at me. Konti nalang talaga iisipin ko ng bakla siya. Pinakamahirap na trabaho ba yun? Duh. Ang dali-dali lang nun. Tyaka, mas mag-eenjoy nga siya dun. Makakapanood na siya ng laban, maeenjoy niya pa ang hobby niya. Tiba tiba siya dun." Sabi niya at umiling. Napailing nalang din ako. I bet he throw tantrums because he will be with Destiny. Kung dahil lang yun sa task niya, hindi siya magiging ganun. 

Rule Number OneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon