Chapter 65 : Don't Let Go

475 16 6
                                        


Vielle's POV


Mabilis kong pinatakbo ang kotse ko papunta sa lugar kung saan ko na-track ang kotse ni Travis. Hindi ko alam pero patuloy akong kinakain ng takot. Natatakot ako dahil baka may nangyari nang masama sa kanya, kay daddy. Damn it.

Napakunot ang noo ko at nag-isang linya ang kilay ko nang may makitang dead end hindi malayo sa akin. Mabilis akong nilukob ng kaba nang makita ang tatlong kotse na nakaparada. Agad kong ipinarada ang kotse ko at mabilis na lumabas sa labas.

I scan the whole place. Tahimik ang buong lugar at tanging ang ihip lang ng hangin ang maririnig. Naglakad lakad ako habang mahigpit na hawak ang dalang baril at tumitingin sa paligid. Nasan sila? Mali ba ako ng lugar na napuntahan? Pero nandito ang kotse nila Travis.


"Ugh!"

Mabilis akong napalingon nang marinig ang mahinang daing na yun. Dahan dahan akong naglakad at sinundan ang pinanggalingan ng tunog. Nakarating ako sa may gilid ng pinakadulong kotse at halos manigas ako sa kinatatayuan ko nang makita ang isang katawan na nakasalampak sa damuhan. May dugong umaagos sa bandang tagiliran nito. Sa kanya nanggaling ang mahinang daing na narinig ko.


"Da-daddy!" Mabilis pa sa alas kwatro na nakarating ako sa tapat niya. Mabilis akong lumuhod at tinakpan ang tama niya para pigilan ang pag-agos ng dugo rito. "W-what happened?! Nasan si T-travis?!" Bulaslas ko sa kanya. Naramdaman ko ang pag-agos ng luha sa mga mata ko. Damn it. Ano bang nangyayari?!

Tila nanlaki ang mata niya nang mapagtanto na ako ang nasa harapan niya. "Allison?! Get out of here now!" Sigaw niya at pilit na pinagtutulakan ang kamay kong nakahawak sa kanya.

"No! I won't leave you here alone! I won't!" Sigaw ko pabalik habang patuloy na umaagos ang luha sa mga mata ko. Damn it! Fuck shit! Hindi ko alam kung anong gagawin ko. I feel so fucking lost.

"Please baby girl, leave. Please.." nagmamakaawa ang tinig ni dad kaya mas lalo akong napahagulgol. Damn shit!

"No. I won't leave you! I won't ever leave you alone!" Umiling-iling ako habang nakapikit dahil hindi ko makayanang tignan siya ngayon. I can't see him hurting. God knows I can't.

"Vielle!"

Pareho kaming napatigil ni Daddy sa paggalaw nag marinig ang boses na yun. Sabay kaming napalingon at mas lalo akong napahagulgol nang makita si Mommy na tumatakbo papunta sa direksyon namin.

"Oh my God. My baby," mabilis siyang lumuhod at niyakap ako ng mahigpit. Mas lalo akong napahagulgol at niyakap siya pabalik. "I'm sorry, I'm sorry baby. I'm so sorry.." hinaplos-haplos ni mommy ang likod ko.

Kumalas ako sa yakap niya at tinitigan siya sa mata. "Travis.. I need to find Travis mom.." Napahagulgol ako nang banggitin ko ang pangalan niya. I am worried sick. Baka kung ano nang nangyari sa kanya. Baka mamaya... No. No. Alam kong okay lang siya. He's safe.. He's safe.

"Baby no, please stay here." Niyakap niya ako pero nagpumiglas ako. No. I can't stay here. I need to find him. I have to find him.

"No mom. I need to find him. I'm sorry." Bago pa man niya ako muling mahawakan ay tumayo na ako at iniwan sila. Narinig ko ang sigaw ni mommy at ang pagtawag sa akin ni Dad pero ipinagsawalang bahala ko yun. I need to find Travis.

"Damn it Vielle Allison! You really don't listen don't you?!"


Muntikan na akong mapasubsob sa may lupa nang bigla nalang may humigit sa akin mula sa likuran. Kahit na nakatalikod siya sa akin ay kilala ko siya. Damn it! Kailan pa siya nakapunta dito?!

Rule Number OneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon