Chapter 13 : Mysterious Ring

1.1K 28 0
                                        


Casey's POV


"Oh utak! Tulungan mo ako"


Napatawa ako ng makita si Des na nakatungo na sa mesa at nakasabunot sa buhok niya. Nandito kasi kami sa library at nag-aaral dahil prelims na bukas. Akalain mo nga namang higit isang buwan na pala ng pumasok kami.


"Alam mo, wag mo ng pilitin yang sarili mo. Ang kaso kasi sayo pag nag-aaral ka, pasok dito, labas dito. Simple diba?"


Mas lalo akong napatawa ng gatungan siya ni Bryle ng biro, tinuro pa niya yung tenga ni Des. They never fail to make me laugh haha.

Tinuon ko nalang ulit ang atensyon ko sa libro ng mapatingin ako sa front door ng library at nakita si Klein.


"Klein!" Mahinang tawag ko sa kanya. Nagpalingon-lingon siya at ngumiti ng makita kami, kumaway pa nga eh.

Sinenyasan ko siyang lumapit kaya ginawa naman niya. Napatingin ako sa mga babae sa table na nakatingin sa kanya, at eto pa, kinikilig ang mga haliparot! Wow. Wag lang nilang malandi-landi ang baby brother namin.



"Kamusta? Tapos ka ng mag-aral?" Tanong ko ng makalapit siya sa amin. Naupo siya sa tabi ko at sumubsob sa desk.

"Kakatapos lang" sagot niya at tumingin kay Des "By the way, anong nangyari diyan?" Tanong niya at tumawa ng mahina. Para na kasing baliw si Des. Nakasubsob kasi siya dun at nakasabunot sa buhok niya. O diba? Parang baliw lang, natuluyan na talaga haha.

"Hayaan mo siya. Natuluyan na yan" sabi ko at tinuon ulit ang atensyon ko sa libro.


Mathematics kasi ang pinag-aaralan namin ngayon. Des hate that subject the most, halos lahat naman kami. May pa-find find X pa kasing nalalaman eh. Bat pa kasi hahanapin yan? X na nga eh. Bwisit. Pag ba bibili ako kailangan bang hanapin muna yung X bago magbayad o magsukli? Nakakairita lang.

Nagulat ako ng biglang hilahin ni Klein yung libro ko. Siya lang naman ang pwedeng humili dahil siya lang ang katabi ko. Tinignan ko siya at nakitang sinasagutan yung mga tanong dun. Wala pa sigurong 5 minutes ng ibalik niya sa akin ang libro.


"Madali lang naman pala ah, dapat hindi pa sumasakit ang ulo niyo dan" sabi niya at nginitian kami.


Tinignan ko ang libro ko at ganun nalang ang panlalaki ng mata ko ng makitang nasagutan niya lahat ng problem! Tinignan ko sa likod yung tamang sagot, at mas lalong nanlaki ang mata ko ng tama lahat ng sagot niya. Did he just answer all these five question in just five minutes? Fvck! He is a fvcking genius!


"Klein, paturo?" Nagpuppy eyes ako sa kanya na siyang kinatawa niya. Kinulbit-kulbit ko si Des at binigay sa kanya yung librong sinagutan ni Klein.



So ayun nga, dahil wala na siyang magawa tinuruan niya kami ni Des. Kung pano isolve to, pati makuha yung tamang sagot. Lahat ng paraan tinuro na niya, para ngang mas magaling pa siya sa prof namin eh.

After an hour, natapos narin kami sa pagrereview. Take note, math palang yun ha. Ganun kami ka-slow pagdating sa mathematics, nakakagago yung subject na yun. Gusto ko pa namang maging engineer nung bata ako tch. People do changed.

Rule Number OneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon