Chapter 19 : One By One

811 19 1
                                        

________________________________________________________________

Dedicated nga pala kay ForeverMinhyuk.  Hi nga pala sayo! Thank you sa pag-vote at pagsuporta mo sa Rule Number one! I wish you luck, and sana, patuloy mong suportahan yung story ko. Thank you again :*...

Readers!! Thank you sa pagbabasa. Comment lang kayo, pramis, babasahin ko talaga. Isa na ako sa mga umasa kaya ayoko ng magpaasa, hahah charr!! Anyway, I'll continue to write this story and susubukan kong mas i-improve yung story ko. Sorry po, baguhan lang po kasi. Hehe. Thank you.

[Desiree at the side~]

________________________________________________________________


Bryle's POV


*BOOOGGSH* [A/N : Tunog po yan ng nabasag na bagay hehe]


Nalaglag ako sa kinauupuan ko ng bigla akong may marinig na nabasag sa may labas. Dali-dali akong tumakbo palabas ng bahay at nakita si Alex at si Ashton. Pero ang nakapagpagulat sa akin ay ang makitang may hawak na baseball bat si Alex at basag basag ang bintana ng kotse niya.


"Woah Pare! Chill muna! Baka mamaya pati yung baby ko basagin mo din." pagbibiro ni Ashton kahit na ang ibig sabihin nun ay pinapakalma niya si Alex.


"Pag hindi ka tumigil sa kakatalak diyan, isusunod ko talaga yang kotse mo!" Sigaw ni Alex. Napailing nalang ako. Ang lakas siguro ng epekto ni Janina sa kanya. Hindi naman siya nagiging ganyan eh, except nalang pag galit talaga siya at talagang hindi na niya kayang kontrolin ang galit niya. Janina's comeback must be a big shock for him.


Binitawan niya ang baseball bat na hawak niya at dirediretsong pumasok sa loob ng bahay. Nandito kami sa secret place namin. Wala si Kent, kasama siguro ni Kara. Tsk.


"Ash! Linisin mo yan ha!" Sigaw ko sa kanya bago sundan si Alex sa loob.

Naabutan ko siyang nakatungo habang ginugulo-gulo ang magulo na niyang buhok . Typical Alexander John Clarke.

"Akala ko ba nakalimutan mo na? Bakit ganyan ka kung maka-react?" Tanong ko at naupo sa harap niya. 


Napaangat ang ulo niya at umismid lang siya.


"Alam mong matagal na siyang patay sa utak ko. Hindi mo ako masisisi kung ganito kalakas ang impact ng pagbabalik niya" 

I just sighed "Alam ba niya?" Tanong ko. Umiling siya sa akin kaya napapikit ako at napasabunot sa buhok ko "You should've told her. Baka nakakalimutan mo Alex, may girlfriend ka. Wag mo namang hayaang magmukhang tanga si Arraine dahil hindi niya alam kung anong nangyayari sa paligid niya"

"I don't want to hurt her" sagot niya

"But you'll hurt her sooner or later. Alam mo kung anong pwedeng mangyari, lalo na't bumalik na si Janina. Tandaan mo, si Janina yun. At aam kong matagal mo ng alam na kahit nung kayoo pa, may pagka-bitch na talaga siya"


Ginulo niyang muli ang buhok niya "I don't fvcking know what to do. Sumasakit ang ulo ko. Bakit ba kasi bumalik pa siya?!"

Napangisi ako "You know why Alex. Don't act dumb. You know why" sagot ko at tumayo. "I need to go. Kayo ng bahala ni Ashton dito" sabi ko bago lumabas.

Rule Number OneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon