Chapter 57 : Choice

409 11 0
                                        


Alexander's POV


"Yah! Give that back to me you freak! Bumalik ka dito!"


Yumuko lang ako nang dumaan sa likod ko si Arriane habang tumatakbong hinahabol si Ashton na dala dala ang ninakaw niyang Chocolate bar sa girlfriend ko.

Napailing nalang tuloy ako. This guys will never grow up.

"Catch me if you can!" Tumawa ng parang baliw si Ash at tumakbo papunta sa second floor ng bahay. Sinundan naman siya agad ni Arriane dun at hindi na ako nagtaka nang makarinig ng mga kalampugan ng bagay. Ugh. Sakit sila sa ulo.

"What's with the noise? Aga aga eh." Pumasok si Desiree na kusot kusot pa ang mata niya habang humihikab. She sat in the single couch at tinitigan ako.

"What?" Asar na banggit ko dito.

"What did I do? I'm just staring at you!"

"Quit staring then!" Asar na sabi ko sa kanya.


Hinilot ko ang batok ko at muling bumalik sa pagatatype sa laptop ko. Kagabi pa ako walang tulog dahil hanggang ngayon ay naghahanap parin ako ng butas para makapasok sa system ng Perez Organization. Lintek naman kasi. Talagang pinag-aksayahan nila ng oras ang paglalagay ng virus sa system ko. Tangina lang.


"When are we going home? Vielle called me last night."

Napatingin ako kay Des nang magsalita ito at napataas ang kilay. "What did that brat said?" Tanong ko dito.

"Nothing. She just said that we can go back now."

Napakunot ang noo ko bago napailing dahil sa sinabi niya. That brat. Just wait till I see her again. Akala ba niya ay nakalimutan ko na ang paglalayas ekek niya? Humanda talaga siya sa akin. Kapag nakabalik ako sa Pinas, hahanapin ko siya kahit saang lupalop pa ng mundo siya naroon.


**


Janina's POV


"Ugh!"

Napatawa ako bigla nang masamid si Vielle habang umiinom ng tubig. Hindi ko na mabilang kung ilang beses na siyang nasamid kapag kumakain kami. Oh My God. Ang epic talaga.

"Okay ka lang?" Natatawang tanong ko dito at inabutan siya ng tissue. Agad naman niyang kinuha yun at pinunasan ang bibig niya.

"I bet you're cousin's thinking about you," sabi ko na siyang nagpaangat ng ulo niya.

"What are you saying?"

"Well, sabi nila kapag nasasamid ka daw, may nag-iisip sayo." Nginitian ko siya bago ngisian. "And I bet Alexander is killing you in his head right this moment."

Inirapan niya ako bago bumalik sa pagkain niya. Kent is not here. Hindi namin alam kung saan siya pumunta basta ang sinabi niya lang ay may aasikasuhin siya. Kaya naman nakabusangot ang mukha ng babaeng katapat ko.

"That jerk. Talagang hindi siya nagpaalam sa akin."


Napatingin ako kay Vielle nang bumulong siya. Pakiramdam ko ay nahabag ang puso ko at naawa dahil sa pag-murder niya sa pagkain niya. Kawawang pagkain. Nadamay pa sa galit ng babaeng ito.


"Hindi nagpaalam sayo kasi inaaway mo." Mahinang bulong ko

"Ano kamo?"

Rule Number OneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon