Chapter 22 : Bola Ka Ba?

763 21 2
                                        


Klein's POV


"John Klein Richards! Bumalik ka dito!!"


Napatakip ako sa tenga dahil sa sigaw ni ate. Shet! Hindi ba siya marunong ng salitang mahinhin?! Kailangan talagang sumigaw? Takte naman oh!


Sabihin niyo nga, pano ko ba naging kapatid ang bungangera na yan?


Dali-dali akong sumakay ng kotse ko at mabilis na pinaandar to. Mahirap na, baka maabutan niya pa ako, masira pa ang gwapo kong mukha.


When I arrived at the school, agad kong pinark ang kotse ko at bumaba na. I even saw girls looking at me. Yung iba kinikilig, kulang nalang himatayin na. Tsk. Hirap talagang maging gwapo.


While I was walking on the hallway. I saw a familiar back leaning on a wall. With earphones in the her ears and a book in her right hand. Tadhana nga naman oh.



"Morning babe" bulong ko sa kanya sabay tanggal ng earphones niya.

She slowly turned her head at ng makita ako ay bumalik na sa dati niyang ginagawa.

"Don't ruin my mood Richards" she bitterly said.


It's been how many weeks since I started to befriend this Destiny Levien. I actually enjoy her company. Kahit na minsan ay tahimik siya at walang pakealam sa mundo. Lalo na sa akin.

Imagine, ang daming babaeng nagkakandarapa sa isang John Klein Richards, tapos ang katulad niya, iniisnab lang ako? Nasan naman ang hustisya dun diba?


"What are you doing here?" I asked her while looking at my phone. My sister just texted me saying I'm dead when she sees me. What a scary threat. Tsk.

"I'm waiting for a guy who said that we will meet at 8 but eventually got here at 10. Nice right?" Sarcastic na pagkakasabi niya bago naunang maglakad.


Dun lang nag-sink in sa utak ko na sinabi ko nga pala sa kanya na magkita kami ng 8 am dito. Si ate naman kasi eh, nakalimutan ko tuloy.


"Hoy tadhana! Hintayin mo naman ako oh!" Sigaw ko bago tumakbo para sundan siya.

Ng maabutan ko siya ay agad kong inakbay ang mga braso ko sa balikat niya bago guluhin ang buhok niya.

"Ano ba! Ang bigat mo kaya!" Iritang saad niya pero hindi naman tinatanggal yung braso ko. Gulo talaga. She's cute though.


Napatingin ako sa paligid. Madaming nakatingin sa amin. Madami ring nag-aakala na kami nitong kasama ko dahil palagi nalang daw kaming magkasama. So ganun ba yun? Pag ba may sinamahan akong babae kami na agad? Hindi ba pwedeng kaibigan ko lang? Mga tao talaga.


**


Kara's POV


Kinabit ko ang earphones ko sa tenga ko at nagpatugtog ng malakas. Kahit na may klase ay walang pake akong umubob sa desk ko at pumikit.

Rule Number OneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon