Chapter 14 : Tadhana

992 17 0
                                        


Arraine's POV


"Ate! Nandito si ate Kara!



Napaface palm ako habang nag-aayos ng buhok. Napaka-ingay talaga ni Klein kahit kailan, dinaig pa ang babae kung makasigaw. Kaya minsan tuloy iniisip ko kung lalaki ba talaga yun eh, saksakan kasi ng kadaldalan. Chismoso pa, daig pa ako.

Naglagay lang ako ng konting powder at lipstick bago kinuha ang bag ko. Nagsuggest kasi si Kara na sumabay na muna ako sa kanya ngayon pagpasok sa school, ewan ko dun sa babaeng yun. Nagiging weird narin siya this past few days.

Pagkababa ko, nakita ko agad si Kara na nakaupo katabi si Klein dun sa may couch. As usual, daldal ng daldal yung kapatid ko. Pero napansin ko lang ha, may bago kay Kara. Hindi ko lang mapin-point but I'm sure may nagbago sa kanya.


"Hoy. Malelate na tayo, tara na" tawag ko sa kanya. Tumayo na siya at lumapit sa akin, sinenyasan ko lang si Klein na tatawagan ko siya mamaya bago kami lumabas ng bahay.

"Anong pumasok sa utak mo at gusto mo akong isabay? At kailan ka pa pinayagan ni Kent magkotse?" Nagtatakang tanong ko ng makita ang kotse niya sa labas ng bahay. Wait. It's not her car, it's kent's.

"Nag-away kami. Iniwan niya lang sa kwarto ko yung susi ng kotse niya"


Pagkapasok namin sa loob, inistart niya agad yung engine at nagdrive na.


"Wala namang bago dun. At least, he still cares for you for leaving his car keys in your care. He still don't want you to walk on the streets"


Tumingin ako sa labas. Hanggang ngayon hindi parin nagpaparamdam si Alex. Three days have passed simula ng pumunta kami sa secret place nila, and still no sign of him. Naiinis na ako, pero mas pinipili ko nalang muna na intindihin siya. Hindi rin kasi siya napasok, siguro naman he has reasons right?


"Still thinking of him? Don't worry, I know he'll come back anytime soon"



Hindi nalang ako nagrespond. I really have no idea where he is, hindi manlang siya nagpaalam o nagsabi sa akin. I can't believe natitiis kong wala siya. Hindi ko na mabilang kung ilang beses ko siyang tinawagan. Sa loob ng ilang taon naming pagsasama, ngayon lang ako nawalan ng komunikasyon sa kanya. Ngayon lang.

Pagkadating namin sa school ay agad akong bumaba sa kotse. Inintay ko lang si Kara at sabay na kaming dumiretso sa room. Malayo palang ay rinig na rinig ko na ang ingay ng mga kaklase ko. Tsk. Hindi na nagbago talaga.


"Ang sakit talaga sa eardrums ng boses ng mga yun. Ginawa ng palengke ang school kairita" reklamo ni Kara sa tabi ko


Pagkadating namin sa tapat ng classroom, nakita namin sila Des at Casey na nakasubsob sa table nila. Nandun din sila Bryle at nagkekwentuhan. Pero ang mas ikinagulat ko, nandun si Alex. Si Alex na boyfriend ko. Si Alex na hindi nagparamdam sa akin ng ilang araw. Si Alexander Clarke na nawala nalang bigla na parang bula sa paningin ko.

Hindi ko alam pero bigla nalang nagbago ang mood ko. Parang kahapon lang excited akong bumalik na siya, na miss na miss ko na siya. But seeing him right now? Na mukhang okay na okay siya at hindi manlang niya naisip na nag-aalala ako, bigla nalang akong nainis. Nakakapanira siya ng mood.

Rule Number OneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon