Chapter 2 : Sea foods everywhere

1.6K 40 0
                                    


Kara's POV


"Gusto ko to. Bilhin mo dali"



Hinila-hila ko yung damit ni Travis habang hawak hawak yung spongebob na stuff toy. It's so cute. Bigla nalang kasing nagiging hugis puso ang mata ko pag nakakakita ako ng Spongebob na gamit. Kahit ano, basta spongebob, gusto ko lahat.


"I didn't know you're this childish when it comes to that Yellow ugly sponge thingy" I glared at him. How dare he insult my Spongebob?!

"Do you really wanna die early Kent?" Sarcastic na tanong ko


He shrugged "What? I'm just saying the fact. Instead of buying that weird thing, let's just go there and just get you a dress" sabay turo niya sa boutique sa tapat ng store kung nasan kami.


"Spongebob is definetly not weird. You're weirder" bagot na sagot ko


"Hindi ba totoo? Sino bang hindi weird na bagay ang magsasalita underwater? That yellow sponge thingy. San ka makakakita ng umiinom ng tubig under the sea? Nakatira sa pineapple at nagagawa pang matulog? At higit sa lahat. Ang weird dahil may electricity dun. Don't forget, it's underwater world"


Sinuntok ko yung dibdib niya at inis na binalik sa pagkakatayo si Spongebob. My Spongy, hope to see you again..


"You could buy it if you want" sabi niya pa


Inirapan ko lang siya. I can buy it, sure whatever. Pero merong nagsasabi sa isip ko na parang mas magiging special yung stuff toy na yin pag binili siya para sa akin.


"San tayo pupunta ngayon?" Tanong ko nalang para maalis ang pagka-badtrip ko sa kanya

"Sa club"



Tignan mo to. Binatukan ko siya at sinipa sa tuhod "Magclub ka mag-isa mo!" Sigaw ko at nagmartsa na palayo sa kanya. Letse siya! Bumalik na siya sa impyerno! Tutal mukha namang kapatid niya si Satanas!

Lumingon akong muli sa kinatatayuan ni Kent at napanganga nalang ng makitang may kasama na siyang ibang babae. And take note, nakakapit sa kanya yung lintek na linta na yun! Huh! Nakakailang hakbang palang ako nambabae na?! Fvck him!


"Honey. San tayo pupunta?" Rinig kong tanong ng linta kay Kent


Napakalandi. Ang sarap niyang tirisin! Mas lalo akong napanganga ng lumapit pa siya lalo kay Kent. Sa inis ko, lumapit ako sa kanila at tumayo sa harap niya.


"And who are you?" Maarteng tanong niya


Hindi ko siya sinagot, sa halip, tinignan o siya mula ulo hanggang paa. Napatawa nalang ako ng mahina. Tawa na alam kong maiinsulto siya.

Nakakahiya naman sa suot niya. Bakit hindi nalang siya magdamit? Natural naman, mukhang konting dali mo lang sa damit niya, makikita lahat ng pinag-kakaingatan niya. Kung may iniingatan nga ba siya.

Rule Number OneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon