Chapter 25 : Complicated

649 13 0
                                        


Alexander's POV


"No trace of them here. May inutusan narin ako para bantayan sila Kara but they can't seem to find something. Up till now, hindi ko parin ma-trace kung saan sila naglulungga at kung sino sila"

Ibinaba ni Bryle ang hawak na papel at ginulo ang buhok niya. I looked at Kent. Nakatungo siya at nakahawak sa batok niya. He seems a little off today.


"Anong pinoproblema mo ngayon? We should be discussing on how to catch those jerks right now"


Inangat niya ang ulo niya at marahas na ginulo ang buhok niya.



"That's the problem I'm thinking right now!" He hissed before looking at us "Do you know the thing Ms. Salvador is talking about?" Tanong niya

Tumango si Ashton at naupo sa may table. "Yung sa clubs? What about those?"

"It's actually for the festival. I overheard the meeting of the teachers and they're talking about the festival that's going to be held in the next two weeks"

"So what about that? Anong kinalaman ng festival sa problema natin ngayon?" Tanong ko


Tinaas ni Kent ang kilay niya "Hindi niyo ba naisip? The school will be open for everyone, outsiders or not for this upcoming festival. At hindi malabong pumunta ang mga taong yun dun. Were at a disadvantage right now. Hindi natin alam kung sino ba sa kanila ang pupunta. Wether its those jerks or the fucking group behind them that we don't know about"


Napasapo ako sa ulo ko. I forgot about that fact. Hindi malabong pumunta nga ang mga taong yun sa festival. Kung saan busy ang lahat at walang makakapansin sa kanila.


"We need to be extra alert in our surrounding on that day. We don't know. Baka isa na sila sa mga taong nakakasalubong natin. And the fact that we know they're not after us right now, but after the girls"


Nagpatuloy kami sa pagbibigay ng report. I will be grateful kung katulad lang to ng report sa school, but no, this is way way far from that kind of report. Nakinig lang ako sa mga sinasabi nila hanggang sa matigil ang usapan namin ng may tumunog na cellphone. I looked at mine pero hindi sa akin. It's Kent's.


"Hello?" Sagot niya sa tawag.

Nakita ko ang pagkunot ng noo niya at ang bahagya niyang pag-iling. The familiar facial expressions that's just coming when he's talking to a specific someone. Napangiti nalang tuloy ako.

"Wait for me there. Wag kang aalis sa kinatatayuan mo."


Binaba niya ang cellphone niya at tumingin sa amin. Para bang nagpapaalam na aalis na siya.


"Sige na. Baka hinihintay ka na ni Kara" ako na ang nagsabi

Tinapik niya muna ang mga balikat namin bago tunakbo palabas ng pinto. Narinig ko pa ang pagbuntong hininga ni Bryle.


"Pag-ibig nga naman" iling niya bago nahiga sa may couch.


Rule Number OneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon