Vielle's POV
Dahan dahan kong iminulat ang mata ko. Puti. Puro puti ang una kong nakita. Kumurap-kurap ako at pilit na inadjust ang paningin ko sa buong paligid. Napagtanto kong nasa ospital ako. Naaamoy ko ang amoy ng ospital at ang mga gamot.
Inilibot ko ang paningin ko sa buong kwarto pero hindi ko siya nakita. I am alone. Madaming nakatusok na kung ano-ano sa katawan ko kaya nahirapan akong igalaw ang katawan ko.
I am alive.
Hindi ko alam pero walang buhay akong natawa.
Hindi ko alam kung ano bang magiging reaksyon ko. Bumalik sa alaala ko ang nangyari nung gabing yun. Nang bitawan ko ang kamay niya at hinayaan ang sarili kong mahulog.
I was so ready to die that time. And knowing that I am alive, I don't know if I should be thankful or what.
Bakit ba sa tuwing gustong gusto ko nang tapusin lahat, tyaka naman may hahadlang? Hindi pa ba sapat lahat ng paghihirap ko? Should I be thankful that I am still alive? Should I be thankful that I am still breathing?
Dahan dahan akong umupo sa kama. Pinakiramdaman ko muna ang buong katawan ko bago dahan dahang tumayo. Tinanggal ko ang kung ano anong nakatusok sa katawan ko at naglakad papunta sa banyo. As I look at myslef in the mirror, I bitterly smiled. Para bang nawalan ng kulay ang buong mukha ko. Marami rin akong galos at medyo nanghihina parin ang buong katawan ko.
Napatigil ako sa pagtingin sa salaman nang marinig ang pagbukas ng pintuan. Inilibot ko ang oaningin ko sa banyo at naghanap ng bagay na pwede kong panangga in case na hindi ko kilala ang taong pumasok.
"Vielle?"
Pakiramdam ko ay nanigas ako sa kinatatayuan ko nang marinig ang boses na yun. Nakahinga ako ng maluwag at inayos ang sarili ko.
"Vielle?!" Bakas ang pag-aalala at ang pagpapanic sa boses niya. Tumingin ako sa repleksyon ko at bumuntong-hininga. Bahagya kong ibinukas ang pintuan at sinilip siya.
"Hey." Nginitian ko siya at lumabas sa banyo. Pinigilan ko ang sarili ko na matawa nang mabitawan niya ang dalawang plastic bag na dala niya. Nanatiling nakatitig sa akin ang mata niya na para bang hindi makapaniwala na nasa harap niya ako ngayon at nakangiti sa kanya.
"Are you just going to stare at me?" Medyo sarkastiko kong tanong.
Travis blinked for a few times while looking at me. Napalitan ng pagkakunot ng noo ang kaninang nakangiting mukha ko. Bahagya pa akong lumapit sa kanya at kumaway kaway sa harapan niya.
"Hey. Are you alright? Travis?" Kumunot ang noo ko. Nakikita ko siyang lumulunok at parang hindi makapaniwala sa nakikita niya.
Mahina akong napatawa habang nakatingin sa kanya. "If you'll continue to react like this, I'll think that you really don't want to see me." Biro ko sa kanya.
Mukha namang natauhan na siya dahil dahan dahan pa siyang naglakad palapit sa akin. Nagulat ako nang hilahin niya ako at mahigpit na ikinulong sa mga bisig niya.
"Damn. Tell me I'm not dreaming," mahinang usal niya habang hinihimas-himas ang buhok ko.
Wala sa sariling napangiti ako. "You're not dreaming. I'm real. Real and back in your arms." Saad ko at niyakap siya pabalik.
BINABASA MO ANG
Rule Number One
Teen FictionAnong gagawin mo kung malaman mo isang araw na ikakasal ka na pala? Ikakasal ka sa isang taong hindi mo minsan inisip na makakasama mo. Noong una, iniisip ko kung ano bang ginawa kong mali para mapunta sa sitwasyon na to. Pero wala akong nagawa kund...
