Chapter 54 : Pain

427 8 1
                                        


Vielle's POV


Nagkulong ako sa kwarto buong araw. Wala akong kinausap ni isa sa kanila at nagkulong mag-isa.

We just arrived at New York yesterday. That's right. New York. Our parents gave a note that the eight of us will be gone for a week or two. Hindi ko na talaga sila maintindihan. Sa puntong to, baka hindi na talaga ako makagraduate dahil sa mga absents ko ngayong school year.

Hindi ko rin maintindihan kung bakit kailangan naming lumayo. Mom said that Janina's father is in a foul mood lately. Lalo na at napahamak ang isa niya pang anak nang dahil sa akin, sigurado akong gaganti siya lalo.

Napatakip ako sa buong mukha ko. Hindi ko pa nakakausap si Janina magmula kahapon. She called me many times but I didn't had the courage to answer the call. Natatakot akong may marinig na masamang balita mula sa kanya. Ayoko nang dagdagan pa ang mga problema ko. This is too hard for me.


***


Desiree's POV


Nagpaikot-ikot ako sa may kama. 1 hour... 2 hours... Ilang oras na rin akong nagpapaikot pero hanggang ngayon ay hindi parin ako inaantok. Anong oras narin pero gising na gising pa ang diwa ko. Ugh! What the hell is happening to me.

Mula sa pagkakahiga ay umupo ako at sumandal sa headboard. Arriane is peacefully sleeping in the bed beside mine. Buti pa siya ay nakatulog na, samantalang ako, gising na gising parin.


I sigh as I tiptoe and made my way out. Pumunta ako sa may kitchen at naglagay nang gatas sa may baso. Umupo ako sa may counter at uminom lang nang biglang may kamay na humawak sa balikat ko.


"Still up?"

"Ay kabayo!" Napatakip agad ako sa bibig ko nang maalala ko kung anong oras na ngayon. Inis kong nilingon ang taong humawak sa akin at sinamaan ng tingin. It was Bryle. Ugh! Tinakot niya ako.

"Kailan pa ako naging kabayo?" Tinawanan niya ako bigla at naupo sa tabi ko. Hinapit niya ang bewang ko at nilapit ako sa katawan niya. Gosh. Bakit biglang uminit? Ugh!

"Why are you still up?"

"Ako lang ba?"

Ngumiti siya "Wag mo akong pilosopohin Desiree."

Inirapan ko siya dahil dun. "Bitawan mo nga ako. Choo! Choo! Layo!"

"Oh. Why is my baby annoyed?" At nagawa niya pa talaga akong asarin. Ugh! Curse him!

"Tigilan mo ako Timothy. Tigilan mo ako." Banta ko sa kanya.

"Oh siya, seryoso na. Bakit gising ka pa?"

"I can't sleep." Sagot ko.

Ngumiti siya ng nakakaloko. "Maybe because I was thinking of you?"

Bahagya akong napairap dahil dun. Ang corny ng lintek! Sabihin niyo nga? Paano ko sinagot ang lecheng to?

Ay pwe!

Hindi ko nga pala siya sinagot! Ni hindi nga nanligaw ang ugok eh! Basta nalang sinabi na girlfriend niya ako. At si ako naman, hindi tumanggi. Aba sayang ang grasya no. Nandyan na nga at kusang lumalapit sayo, itataboy mo pa ba?

Tinawanan niya akong muli at tumayo para ilagay ang baso niya sa may lababo.

"Then goodnight baby, make sure to sleep after you drink your milk okay?"

Rule Number OneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon